Kasalukuyan akong nagbabasa ng isang librong hiniram namin ni Carla dito sa library ng University na kung tawagin ng mga estudyante ay Aquarium dahil sa floor-to-ceiling windows ang napapaligiran nito kaya kitang-kita kami mula sa labas.
Wala ngayon si Carla dahil nagpaalam ito kanina sa akin na kukunin lang nito ang resulta ng exam ko, isang oras matapos ang nasabing pagsusulit.
Confident naman ako sa mga naging sagot ko sa exam dahil halos alam ko naman ang mga lumabas na katanungan do'n. Hindi naman kasi sa pagmamayabang pero noong nasa Italia ako, palagi akong nasa top ng klase. Kahit spoiled brat ako at miyembro ng pep squad, hindi ko naman pinapabayaan ang pag-aaral ko.
Nasa kalagitnaan na ako ng pagbabasa ng novel na Moby-d**k nang halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan nang hampasin ako sa braso ni Carla kasabay ng pagtili nito nang malakas habang winawagayway ang iilang bond paper sa kamay nito.
Nanlaki ang mga bilugang mata kong mabilis na tinakpan ang bibig nito dahil napituhan na rin kami ng masungit na librarian, nakatingin na rin sa amin lahat ng tao rito sa library.
"Ano ka ba?! Ang ingay mo, nakakahiya! Ano ba kasi 'yan?!" I hissed.
"Ay sorry!" Natatawang saad nito saka ako marahang itinulak sa upuan para makaupo rin s'ya. Nag-peace sign din ito sa mga tao sa paligid na natatawa na sa kaniya at naiiling.
"Eh kasi naman girl! Nabigla at naging masaya lang ako sa resulta ng examination mo. Tingnan mo oh! Dadalawa lang ang naging mali mo! At ang sabi sa akin ay pwede ka na raw mag-enroll agad-agad, kaya tara na bago pa tayo makauwi ng late sa bahay. May mga gagawin pa tayo, remember?"
Wala na nga akong nagawa nang hilain na ako nito palabas ng library at papunta naman sa registrar na pinuntahan namin kanina. At ang mas nakakahiya pa ay nang hindi man lang ito pumila katulad ng mga estudyante na mukhang kanina pang umaga nakapila rito.
Sorry-ing-sorry tuloy ako sa kanila habang si Carla ay walang pakialam na nakikipag-kwentuhan pa sa isang staff sa registrar office. Mukhang sanay na sanay na ito sa gawain niyang ganito.
Gosh, parang gusto ko na lang lumubog ngayon dito.
Hindi nagtagal ang pag-e-enroll namin dahil umabot lang ito ng ilang minuto then after namin makabayad then boom! We're now officially enrolled!
Kahit matinding kahihiyan ang inabot ko sa kapatid kong 'to, hindi ko pa rin maitatago ang naging saya ko nang makita ang magiging schedule sa aming first day of college in just a few weeks.
Kahit halos wala nang natira sa ipon ko, okay lang dahil heto na talaga ang paninimula ko sa aking buhay.
"So! Ngayong opisyal na tayong enrolled, ang susunod nating gagawin ay i-online sell ang iyong mga gamit which is napakadali lang sa akin niyan and believe me girl, wala pang isang oras, sold out lahat ng gamit mo dahil kahit third hand na 'yang mga gamit mo, bibilhin pa rin ng mga tao 'yan dito!Gosh! I'm so excited!" Inalog-alog pa nito ang aking braso sa sobrang excitement nga nito.
Pagdating na pagdating namin sa bahay, tinulungan ako nitong mag-pack ng damit dahil sa hotel daw kami mag-li-live selling dahil wala namang wifi sa bahay at kailangan daw ay presentable ang mga damit na i-mo-model ko.
Speaking of modelling, pagdating namin sa pinakamalapit na hotel na pinuntahan nito, I did ask Carla about job help.
"Oh sure, sister! Pwede kitang ipasok sa dati kong trabaho sa modeling industry. Madali lang naman 'yon sa 'yo, given na ang ganda mo na mula ulo hanggang paa." Kibit balikat nitong sabi habang isinasaayos ang mga damit at bags ko.
Out of curiosity, I retorted with a question. "Dati mong trabaho? Bakit? Ano bang kasalukuyan mong trabaho ngayon? Akala ko kasi pag-mo-modelo ang trabaho mo because of how you carry yourself." paliwanag ko habang tinutulungan s'ya.
Natigilan ito sa kaniyang ginagawa pero saglit lang 'yon at bumalik na rin ang sigla nito.
"Ah, oo. Tumigil ako sa pag-mo-model dahil na rin sa napapabayaan ko na ang pag-aaral ko. Grabe kasi makakain ng oras ang pagmomodelo. Hindi kinaya ng katawan ko at lalong-lalo nito," Turo n'ya sa utak n'ya.
Napangiwi ito sa hiya. "Hindi kasi ako 'gaya mo na matalino. Ako kasi ay siguro nasa below average ang IQ ko pero kahit gano'n pa man, determinado pa rin naman akong tapusin ang pag nu-nursing ko kahit sobrang hirap."
Napatahimik ako. I felt her heavy emotion. Naramdaman ko rin ang sinceridad nito sa kaniyang boses.
***
Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayon nga ay heto na ang first day ko bilang college student s***h nursing student.
Wearing this white uniform of nursing students gives me a lot of pride and joy. Feel na feel ko talaga na para ako rito sa field na ito. It's the same feeling of being home.
Gosh, OA na kung OA but I'm having goosebumps wearing this uniform. Lalo na noong makapasok na kami nang tuluyan sa aming first class this morning.
Well, of course, hindi mawawala ang introduce yourself. At nang ako na ang tumayo, medyo hindi na ako nailang dahil aside sa pinagbili ko na ang mga mamahalin kong kagamitan at damit, nag-contact lens din ako ng black para pagtakpan ang totoong kulay ng mga mata ko na sa tingin ko ay iyon ang talagang dahilan kung bakit ako pinagtitinginan ng mga estudyante rito.
Kulay hazel kasi ang mga mata ko. They are partly green and light brown kaya takaw pansin talaga ang mga ito. But when I wear a black contact lens, medyo nabawasan na rin ang mga taong napapatitig at napapalingon sa amin ni Carla.
Hindi na rin ako nag-abalang magsuot ng kahit na anong make-up to keep my life simple and less waste of time.
In addition to that, nagsuot din ako ng salamin kahit wala namang grado ang mga mata ko. Typical nerdy type which is good and fun. I feel like ibang-ibang tao na talaga ako. Ang saya palang mamuhay ng simple lang...
Right after introduction ng bawat isa sa amin, may surprise quiz na kaagad kami which shocked the majority of the class. But not me though because I came prepared.
Isang linggo bago ang klase namin nag-research na kaagad ako sa internet sa kung ano-anong surpresa ang dapat kong i-expect sa pagiging fresh man college. At isa na nga itong surprise quiz na ito. Kaya naman nag-advance reading na ako sa mga dati nang libro ni Carla sa bahay. And oh, speaking of Carla...
Nasa tabi ko lang ito at mukhang hindi ito mapakali. So, I pulled her chair close to me and quickly whisper to her ear, "H'wag kang papahalata. Basta tingin ka lang sa papel ko, okay?"
I smiled at her reassuringly then that's when she relaxed a little bit as she nodded her head.
Questions after questions of the professor, tinatakpan ko lang ang papel ko kapag na sigurado ko nang nakita at naisulat na ni Carla ang sagot sa papel nito.
Matapos ang klase ay pareho kaming may matagumpay na ngiti sa mga labing nagtungo na sa susunod pa naming klase for today.
Lumipas pa ang ilang mga araw, linggo at buwan na gano'n palagi ang ginagawa namin kapag hindi nakakapag-review si Carla sa mga examination namin.
Hindi ko alam kung ano ba talagang trabaho n'ya at madalas talaga ay puyat s'ya kapag papasok na sa University. Kaya hindi rin ako nag-aalinlangan na pakopyahin s'ya madalas at kapag nagtatagpo naman ang free time namin dahil nga pareho kaming working student, tinuturuan ko rin naman s'ya sa mga lessons na na-mi-missed n'ya. Pinapahiram ko rin sa kaniya ang mga ginagawa kong notes and reviewer para makatulong din ito sa kaniya para ito'y pumasa.
One time, habang nag-re-review kami for our preliminary examination, Carla asked me a question.
Habang nagbabasa ako ng ginawa kong reviewer na may mga iba't ibang highlighter para hindi ako malito, she asked, "Mia? Grabe nahihiya na ako sa mga ginagawa mo para sa akin. Bakit mo ba ito ginagawa? Dahil sa awa?" she sounded like she was ashamed of herself.
Umangat naman ang tingin ko sa kaniya habang hawak-hawak pa rin ang papel na naglalaman ng reviewer ko. In-adjust ko rin ang eyeglasses na suot ko dahil umabot na ito sa tip ng ilong ko.
"What are you talking about? Are you high?" I asked instead.
Natawa itong pabiro akong pinalo sa braso. In fairness ah? Masakit ang palo n'ya.
"Eh! Seryoso kasi!" she squeal.
Nagkibit balikat akong ibinalik ang tingin ko sa aking binabasa.
"Remember when you told me that I am your sister, so you are obligated to help me?"
'Kita ko sa aking peripheral view na umasim ang mukha nito. "Tagalog please, bitch."
I chuckle. "Psh. Whatever." turan ko pero inulit ko rin naman sa tagalog ang sinabi ko kanina.
"Ah, so ginagawa mo lang para sa utang na loob?" she concluded.
I shook my head. "Hindi rin."
"Eh ano?"
"Simple lang. Pamilya kita. At lahat ng miyembro ng pamilya ko ay mahal ko. Saka kung umaabante ako, gano'n ka rin. Hindi kita iiwan, dahil naniniwala ako na wala sa grades ang batayan ng pagiging mabuting nurse o tao in general. Kung malinis at mabuti ang layunin mo sa buhay, iyon ang mas importante. Saka ano ka ba?! Lahat naman ng bagay ay napag-aaralan at sa nakikita ko naman sa 'yo, kahit mahirap, willing ka at determinado kang matuto, kaya tutulungan kita hanggang sa abot ng aking makakaya." paliwanag ko.
Kahit hindi ko ito tingnan, alam kong abot hanggang bumbunan na ang ngiti nito ngayon.
"Awe! Na-touch naman ako do'n! So, hanggang kailangan mo ako balak pakopyahin?"
This time, tinapunan ko na s'ya ng tingin saka ito nginitian.
"Kapag naging square na ang buwan." sagot ko saka na bumalik sa binabasa ko.
Well, I am firm naman sa sinabi ko sa sarili ko about boundaries. But it's hard to do that especially if napapalibutan ka ng mga taong katulad ng pamilya ni Carla.
Sometimes, rules are meant to be broken especially for those people who are worth the risks.