Matapos makaalis ng couple na nakasama namin, uuwi na sana kami nang tumutol si Carla. "Oh, c'mon! Maaga pa guys! Gimik muna tayo!" pamimilit pa nito, lalo na sa kapatid niyang tutol sa kagustuhan nito. "Carla, nakakahiya sa Nanay kung uuwi tayong nakainom sa bahay. Saka baka hindi tayo makatulong bukas." dahilan nito. Palihim akong umismid ng tawa. Jeez, she's always been like that. Hinawakan naman ni Carla ang braso ni Mia saka ito nag-puppy dog eyes sa kapatid. "Eh, hindi naman tayo iinom eh! Makikipagsayawan lang tayo, promise!" Napailing ako sa tigas ng ulo ng mga babae. Kaya para wala nang usapan pa pumagitna na ako. Like what I did earlier, I pulled her hand and then whispered to her. "Pagbigyan mo na 'yang kapatid mo. Like she said, minsan lang naman. Saka 'di ba gusto mong