Inis na inis kong inilapat ang mga daliri ko sa keyboard ng laptop ko at saka nag-type sa search engine ng Bridge. Kunot na kunot ang noo ko habang nag-ta-type ng, "How to torture a feisty mouse?" Imbis na makakuha ng matinong sagot, naningkit na lang lalo ang mga mata ko sa kalokohang nagsilabasan na results sa search ko. Pabagsak kong isinara ang screen ng laptop sa sobrang inis at iyon naman ang pagpasok ni Pietro sa office ko rito sa rest house. May dala itong tray na may laman na teapot and croissant and bagels. Inilapag n'ya ito sa mesa ko. "Oh, My Lord? Ba't ganyan ang mukha mo? Umagang-umaga eh." Madilim ang mukhang tinapunan ko ito ng tingin saka kinalampag ang laptop ko. "This s**t and that nonsense search engine! Walang kwenta!" I hissed. "Huh? Why?" Pietro inspect