Weird. Bakit feeling ko may sumusunod sa akin? Pero kapag tumitingin naman ako sa likuran ko ay wala namang nakasunod. A part of me, natatakot dahil hindi ko mapigilang isipin na baka nahanap na ako ng asawa ko na kampon ni Satanas. Pero nang sabihin ko ito kay Carla, she said na marahil ay guni-guni ko lang ito. She also explained na baka nasa isip ko lang ito dahil ilang beses na rin kaming naglalabas pasok sa bangko at nag-wi-withdraw nang malaking halagang pera para sa pambayad ng kulang namin para sa operasyon at sa magiging therapy din ni Tatay Kiko at para na rin sa mga gamot pa nito. Sa ilang weeks kong pagtatrabaho sa kumpanya, masasabi ko nang isang malaking blessing in disguise itong trabahong ito. Nang dahil dito, nabayaran lahat namin ang mga gastusin at nalampasan pa na