CHAPTER 4:

2053 Words
CHAPTER 4: ILANG MINUTO RIN ang itinagal ng pag-uusap ni mommy at ni Andrew. Halatang na-miss ni mommy ang makipag-usap kay Andrew na ma-kwento at mahilig makipagbiruan. Iyan din naman ang dahilan kung bakit nagustuhan ko siya noon. Walang dull moments kapag kasama ko siya, but still, ganoon naman talaga ang mga lalaki. Sa una masayang kasama, pero sa kalaunan ay nag-iiba ang ang ugali. Alam ko dahil iyon ang kinwento ni ate sa akin maging ni Jessy. "O sige na, magkwentuhan na kayo at babalik muna ako sa paglalaba," paalam ni mommy, sa wakas. Nang tuluyang makaalis si mommy, nilingon ko si Andrew at saka siya tinitigan nang masama. "Bakit pati ba naman dito, sinundan mo ako?" iritang tanong ko sa kaniya. Nagkibit-balikat siya. "Nakalimutan ko kasing itanong sa 'yo 'yong gusto kong itanong. Sumama kasi ang loob ko kanina kaya iniwan kita." Umirap ako. "Anong tanong ba 'yan at para makauwi ka na?" Ngumiti siya at napailing pagkatapos ay diretsong tumingin sa akin. "Bakit bigla ka na lang hindi nagpakita sa akin? I mean, noong hindi ka na nagpaparamdam at hindi mo na ako sinisipot sa playground, pinuntahan kita rito sa bahay nyo. Pero madalas na wala ka, madalas na sinasabi ng mommy mo na busy ka. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa rin maisip kung bakit." Nagkibit-balikat ako at nag-iwas ng tingin sa kaniya. "Wala, basta isang araw ayaw na kitang makasama. Nakakasawa rin palang makipagkwentuhan araw-araw." Matapos kong sabihin iyon ay saka ko siya nilingon. Pero mukhang hindi siya naniniwala, lumitaw lang ang ngisi sa kaniyang labi na para bang ang laki kong sinungaling at alam niya ang totoo. Well, imposibleng alam niya ang totoo dahil wala naman akong pinagsabihan ng tungkol dito. Ako lang ang nakakaalam sa kung ano ang totoong dahilan. "Talaga ba? O sige, pwedeng paniwalaan ko 'yan," he smiled. "Pwede ka na bang umuwi?" taas-kilay na tanong ko. "Kung ibibigay mo ba ang number mo sa akin, bakit hindi?" Gusto kong magmura, pero hindi ko gagawin dahil hindi naman ako nagmumura. Nakakainis talaga, hindi ko alam kung bakit ganito siya kung makapangulit sa akin. Ang tagal na ng panahong hindi kami nagkita at nag-usap. Kadalasan sa mga ganito, strangers na talaga ang turingan. Pero siya, kakaiba. Talagang kukulitin pa ako nang husto! "Akin na ang cellphone mo, ilalagay ko." Inilahad ko ang kamay ko para ilagay niya roon ang phone niya. Lumapad ang ngiti niya at saka dinukot ang phone mula sa suot niyang kulay asul na shorts. He's handsome, just like how he looked like before. Mas gumwapo lang siya ngayon lalo na at mas nag-mature siya. "Here." Inabot niya sa akin ang phone niya. Agad ko iyong kinuha. Walang password ang phone niya na hindi ko na lang pinansin. Pansin ko nga lang na ng wallpaper niya ay picture niya na para siyang model. May puting background sa likuran habang nakasuot siya ng kulay itim na tuxedo. Mukha talaga siyang model dito. Inilagay ko ang hula-hula kong numero sa cellphone niya. Nilagyan ko pa ng pangalan ko para kunwari, totoong numero ko 'yon. Hindi naman ako tanga para ibigay sa kaniya ang number ko kung ayaw ko na ngang makipag-usap sa kaniya. "Ito na, makakaalis ka na!" sabi ko pa. Nang makuha niya ang phone niya sa akin. Nagmadaling tumayo siya, tumayo na rin ako. "Magpapaalam muna ako kay tita," aniya. "Huwag na, ako na lang ang magsasabi na umalis ka na." Nag-alangan pa siyang tumango pero dahil hinawakan ko na ang braso niya at pinapihit siya patalikod sa akin at paharap sa pinto, wala na siyang nagawa. "Tatawag ako mamaya ha!" paalala niya pa. "Oo na, sige na umuwi ka na!" sabi ko sabay tulak sa kaniya palabas. Nang tuluyan siyang makaalis, alam kong masaya siya na inakala niyang number ko nga ang nilagay ko roon. Somehow, medyo nakonsensya ako na ibang number ang ibinigay ko. Pero bahala siya, para naman magdala siyang kulitin ako! - Kagaya ng madalas, nasa harap na ng gate namin si Jessy nang lumabas ako sa bahay. Mas nauuna talaga siyang magising kaysa sa akin lalo na at minsang iniwan ko siya noong nahuli siya kaysa sa akin. Hindi ko alam kung bakit nananatili pa rin siya sa tabi ko kahit na halos ipagtabuyan ko na siya. "Hindi mo na naman ako hinintay kahapon sa uwian, lagi mo na lang akong iniiwan," nakabusangot na sabi niya. Naglalakad kami palabas ng subdivision, at saka pa siya nag-d-drama. "Wala ka namang sinabing hintayin kita," sagot ko. "Hmp! E ano pa bang inaasahan ko sa 'yo? Ganyan ka naman talaga! Ang hilig mong mang-iwan!" kunwaring nagtatampong pahayag niya pa. Huminto ako sa paglalakad nang makalagpas na kami sa gate at saka ko siya hinarap. "Bakit ba kasi sinusundan mo pa rin ako? Alam mo namang ayaw ko ng kaibigan, halos ipagtulakan na kita pero bakit nand'yan ka pa rin?" tanong ko sa kaniya. Seryoso 'yon at mahinahon pero tinawanan niya ako. "Hindi mo ba talaga alam?" she chuckled. "You need a friend, Ballari. Kaya ako nandito para sa 'yo ay dahil kailangan mo no'n. Kaya huwag ka nang magreklamo, mananatili ako sa tabi mo hangga't kailangan mo ng kaibigan." Umawang ang labi ko sa isinagot niya. Nauna na siyang maglakad pagkatapos no'n. Itinikom ko lang ang bibig ko nang mapagtantong napapalayo na siya. So I started walking as fast as I reached her. "Hindi ko kailangan ng kaibigan, pero kung gusto mo pa ring manatili, bahala ka." Iyon ang sabi ko sa kaniya nang maabutan ko siya sa paglalakad. Nilingon niya lang ako at saka nginitian. I know that I need a friend, I know that very well. Pero natatakot akong ma-attached sa isang tao. Baka kasi kapag na-attached ako at bigla na lang nawala iyong taong 'yon, masaktan ako. Natatakot akong masaktan. Duwag na ako kung duwag pero mas gusto ko na lang na mapag-isa hangga't maaari. Tahimik na nakapasok naman kami sa gate ng school nang makarating kami. Pero nang nasa kalagitnaan na kami ng paglalakad at kung kailan malapit na kaming maghiwalay at pumunta sa sari-sariling building, at saka pa may humarang sa daraanan naming dalawa. Nag-angat ako ng tingin sa mga mata ni Andrew na ngayon ay halatang naiinis. Siniko ako ni Jessy, "sino 'yan?" bulong niya. "Niloko mo ako! Hindi mo number 'yong binigay mo sa akin," aniya sa mariing tono. Nilingon ko si Jessy na ngayon ay halata ang pagtataka sa mukha lalo na nang magsimula na ang bulong-bulungan ng kababaihan sa paligid. Wala akong alam sa kung bakit puro babae lang ang nagbubulungan pero nakakahiya itong ginagawa niya. "Pumunta ka na sa classroom mo, mamaya ko na lang sasabihin," sabi ko kay Jessy. Pero hindi siya natinag. Humarang siya sa harap ko at bahagyang itinulak si Andrew. "Anong problema mo?" taas ang noong tanong ni Jessy kay Andrew. "Hindi naman ikaw ang kinakausap ko, si Ballari." Napapikit ako nang mariin, hinawakan ko ang kamay ni Jessy at saka siya hinila palayo sa harap ni Andrew. "Ballari! Teka hindi pa tayo tapos mag-usap!" tawag ni Andrew. Pero hindi ako lumingon, diretsong hinatak ko si Jessy palayo roon dahil nakakahiya at nakakakuha kami ng atensyon. Nang tuluyang makalayo, saka ko pa lang binitiwan si Jessy. "Sino ba 'yon? Bakit hiningi ang number mo?" takang tanong niya. "Kababata ko siya, basta mahirap i-explain. Mag-usap tayo mamayang uwian." Pinatalikod ko siya mula sa akin at saka siya marahang itinulak. "Sige na, pupunta na ako sa classroom ko." "Pero Ballari—" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil dali-dali na akong naglakad paalis. Nakapangako pa tuloy ako na mag-uusap kami mamayang uwian. Alam ko kasing hindi siya titigil hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya ang totoo. Sa sobrang kakulitan ni Jessy kung minsan, hindi ko naiiwasang hindi magkwento sa kaniya. Hindi kasi 'yan matitigil sa pangungulit hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya at hindi niya rin talaga makakalimutan kahit na ilang araw na ang nakalipas. Hindi ako nakaligtas kay Andrew nang makarating ako sa classroom. Nakaharang na siya sa daraanan ko habang naka-krus pa ang braso sa ibabaw ng kaniyang dibdib. 'Gaya kanina, nagtitinginan ang mga babae sa amin pero this time hindi na lang babae, maging ang kalalakihan at bakla ay nakiki-usyoso na. "Bakit mo nga ako niloko?" inis na tanong niya na para bang napakalaki talagang scam ng ginawa ko. Nagsimula ang bulong-bulungan. Naririnig ko ang bulungan nila at talaga nga namang nakakahiya. Kasi akala ng iba, girlfriend ako nitong kumag na ito. "Bakit ba ang kulit mo? Huwag mo naman akong ipahiya nang ganito," pabulong na sagot ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin sa mga tao sa paligid, pagkatapos ay bigla na lang kong inakbayan. Sa gulat ko ay hindi ako nakapalag. "Sabi mo sa akin pink ang favorite color mo, black pala!" aniya. Napapikit na lang talaga ako dahil sa sinabi niya. Itutulak ko na sana siya palayo pero hindi niya ako hinayaan, mas hinigpitan niya pa ang pagkakaakbay sa akin. "Pasok na tayo, ang daming nakatingin." Dinala niya ako papasok ng classroom habang ako naman ay nakayuko. Hindi na ako nagkaroon pa ng chance na makapalag dahil dumating na si Prof Molson at lumayo na sa akin si Andrew. Hindi ko inakala na makakaranas ako ng ganitong kahihiyan! Ano na lang ang iisipin ng iba? Sigurado akong iisipin nilang girlfriend ako nitong si Andrew dahil sa paraan kung paano niya ako inakbayan. Sa tingin ko sikat siya sa school. Pero paanong magiging sikat siya e freshman lang naman kami? Kung ano pa man, dapat lumayo ako sa kaniya. Pero paano ko nga gagawin 'yon kung magkaklase kami sa unang subject? Nakakainis talaga! Pinilit ko ang sarili ko na makinig nang maigi sa lesson kahit na ang 1/4 ng utak ko ay okupado ng pagkainis kay Andrew. Imbes na makapag-aral ako nang mabuti, nasisira pa nang dahil sa kaniya. Hindi pa naman pwedeng bumaba ang grade ko dahil iyon ang naging dahilan kaya nakapasok ako sa school na 'to. Nang matapos ang unang subject, talagang binilisan ko ang pagliligpit para makaalis na ako. Pero dahil ako lang naman ang nagmamadali, may lumapit pa sa akin na isang babae. "Boyfriend mo ba si Andrew? Kaya ba walang siyang nililigawan mula noong highschool ay dahil kayo na noon pa?" pabulong na tanong niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya, may pagka-nerdy look ang suot niyang salamin. Nakatali rin na ponytail ang buhok niya. "Hindi ko boyfriend iyan," sagot ko. Mas binilisan ko pa ang pagliligpit dahil ayaw ko na talaga ng another interrogation. "Weh? Ikaw lang ng babaeng inakbayan niya!" kamuntikan pang mapalakas ang boses ng babae. "Aba malay ko, wala akong pakialam. Basta hindi ko boyfriend 'yan." Magsasalita pa sana siya pero hindi ko na siya hinayaan, nagmadali na akong isinukbit ang bag ko sa aking balikat at saka umalis. Alam kong naroon pa si Andrew at nakita ko sa peripheral vision ko na mukhang nataranta siyang paalis na ako. Ano bang balak niya? Sundan ako nang sundan? Binilisan ko ang paglalakad para sana makapunta na ako sa susunod na subject pero tila ba may pagka-ninja itong si Andrew at talagang naabutan niya ako! "Saan ka pupunta? Ipaliwanag mo sa akin kung bakit ibang number ang binigay mo sa akin," aniya sa mahinang boses. Hindi ko siya sinagot, basta nagmadali lang ako sa paglalakad dahil nag-uumpisa na naman ang bulungan sa paligid. "Ballari, hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Kung ano man ang kasalanang nagawa ko sa 'yo noon, patawarin mo na ako." Hindi ko pa rin siya sinagot, bahala siya sa buhay niya. Ayaw ko nang magpaliwanag sa kaniya dahil wala naman akong dapat ipaliwanag sa kaniya. "Ballari naman!" inis na sabi niya. "Alam mo bang sinigawan ako ng matandang babaeng tinawagan ko kagabi? Nabigla ako, ipinagpilitan kong ikaw 'yon at pina-prank mo lang ako. Minura tuloy ako! Hindi ka manlang ba nakokonsensya?" Huminto ako sa paglalakad at saka siya hinarap. "Isa pa, sasapakin na talaga kita." "Hindi mo magagawa 'yan, may CCTV at baka mapagalitan ka—" Wala akong pakialam, sinuntok ko siya sa kaliwang pisngi na ikinagulat ng mga nasa paligid. Bwiset e.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD