"KAGURA: 3rd Angel. Level CXXX." Pagkalapag ni Nigito sa sunod na ulap ay isang nakakabighaning anghel muli ang tumambad sa kanya. Maikli ang buhok nito at suot ang isang napakaputing kasuotan. Nakababa rin ang maputi nitong pakpak at hawak-hawak ang dala nitong puting payong. Seryoso itong nakatingin sa kanya. "Napakabilis mong tinalo si Odette. Tila hindi niya napaghandaan ang mabilis mong atake..." wika ng AI na si Kagura. Pagkatapos ay ibinato nito ang payong sa harapan ni Nigito. Umiikot iyon habang nakabukad nang patayo at nakakonekta sa AI gamit ang tila sinulid na liwanag. Pagkatapos ay dumami iyon ay pinaikutan ang buong ibabaw ng ulap. "Thousand Umbrellas!" Nagagawa niyong bawasan ng malaking porsiyento ang movement at attacking speed ng kalabang player. Bukod doon ay may simu