"WEAPON... Fussion!" Sa pagbigkas ni Nigito sa mga salitang iyon ay siya ring pagbalot sa kanya ng liwanag na kulay itim at pula. Nagdikit ang dalawa niyang espada. Naging isa ang Black Sword at Blood Sword. Sinundan iyon ng pagsabog ng liwanag na bumalot sa kanya. Isa nang bagong espada ang hawak niya sa kanyang kanang kamay. Isang espadang may manipis na talim. Ang kalahati'y pula at ang kalahati'y itim. Napakagaan ng espadang iyon. May emblem ng yinyang sa hawakan noon. Imbis na puti ang kapares ng itim, ito'y naging pula. Mayroon ding kadena na bumabalot kay Nigito. Kadenang mula sa hawakan ng espada na siyang umiikot sa kanang braso niya. Nakaikot din ito sa kanyang katawan na nagtatapos sa kanyang baywang. Ang Black Blood Sword! Nagagawa nitong dagdagan ang speed, damage at critica