PALMYRA Island. Isang malawak na battle arena ang tumambad kina Death at Tobi. May kalawakan ito at ang dulo ay napapaligiran ng mga haligi na gawa sa bato. May kataasan iyon at nakikita nila na may kuryente na lumalabas doon na nagsisilbing harang ng buong lugar. May kadiliman din sa lugar dahil sa makapal at may kaiitimang ulap na nasa itaas. Panaka-naka'y may mga kulog silang naririnig na sinusundan ng maliwanag na kidlat. "Maligayang pagdating sa aking teritoryo... o sabihin nating ang inyong magiging libingan?" Winika ni Thunder na nagliliwanag ng dilaw ang katawan habang ang dulo ng spear nito ay nababalutan ng kuryente. Napansin nina Death ang mga nagkalat na kalansay sa iba't ibang bahagi ng battlefield. Isa iyong patunay na marami ng mga players ang namatay rito. "Hindi ka nak