UNDERWATER Island, isa lamang ito sa mga kakaibang area sa loob ng game. Matatagpuan ito sa ilalim ng karagatang pinaiikutan ng Starting Island at ilang mga islang malapit dito. Ang tanging paraan upang marating ito ay sa pamamagitan ng sasakyang kayang sumisid sa ilalim ng karagatan at ang isa pang paraan ay ang mismong pagsisid ng mismong player na napakaimposibleng magawa ninuman. Sa oras naman na ma-clear ang area ay hindi pa rin makakagamit ng kahit anong Teleporting Scroll ang sinuman, iyon ay sa kadahilanang wala ni isang Teleporting Plaza rito. Sinasabing ang islang ito ay matatagpuan sa gitna ng isang inactive underwater volcano. Hindi naman din kalakihan ang isla na iyon ngunit maraming mga high leveled AIs ang naroon. Isang battlefield ito para sa mga gustong mas lumakas at tum