NAPANGISI si Xenon nang makita ang isa pang panauhing dumating. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa espadang kanyang gamit. Nasa harapan niya ngayon ang isang matandang player na may gintong armour. "Naka Nigimoto! Mahal kong kaibigan! Grahahahaha!" Kalmado lang siyang pinagmasdan ni Naka, ni Roscinante. Sa labas ng game, habang pinapanood niya ang mga nangyayari ay napilitan siyang mag-login sa game. Lalo pa't nakita niya ang sitwasyon ni Nigito. Isa pa, tanging ang binata lang ang may kakayahang matalo si Xenon. Ni isa sa mga narito, maging si Kido ay hindi matatalo si Xenon. "Kailangan kong samahan ang mga players na ito... ako ang dahilan nito, dahil sa game na ito kaya nangyari ang mga bagay na ito." "Kaya hindi na ako magdadalawang-isip na isakripisyo ang buhay ko para sa inyo..