"ISANG player..." iyon na lamang ang nasambit ni Nigito nang makarating si Hexus sa kanyang likuran matapos siyang atakehin nito. "Tama! Dahil kay Xenon, sumanib ako sa AI na si Hexus... Gusto mo bang makilala kung sino ako?" Hindi kalakasan ang pressure na naramdaman ni Nigito. Mabilis siyang nakabawi. Dinampot kaagad niya ang kanyang espada at tumalon palayo. Nakatingin lang sa kanya si Hexus at nakangisi. "Ako si Kami Hitetsu! Ang rank 2 sa Heroes Rankings!" Nagulat si Nigito pero hindi iyon halata. Base sa pagkakaalala niya, napakailap din ng number 2 player na ito. Tulad ni Kido, bihira itong makikita sa kung saan-saan. Sinasabing napakalakas din nitong swordman, at ni minsan ay hindi nito nakita si Kido kaya walang pagkakataon na makalaban nito ito para sa number 1 rank. "Ang k