Hindi ata sapat ang isang araw para makapag muni muni sa mga nangyari nung sabado. Sobrang dami. At ngayong Monday na parang ayaw ko ulit pumasok. "Hay nako apple! Kung kelan graduating ka na tsaka ka na nag bubulakbol? Akala ko at papatunayan mong ikaw ang pinaka masipag at matalino sa pamilya na to blah blah blah" hanggang ngayon naririnig ko pa ang sermon ni mama nung sinubukan kong sabihing aabsent ako. Dali-dali akong bumaba para makaalis na agad, dumaan akong kusina para kumuha ng sandwich at saging. Naabutan ko si mama na nag luluto pa. "Alis na po ako" Sabay halik ko sa pisngi nya. "Oh ang aga mo ata?" "Nag sisipag ako ma!" natatawa kong sabi bago lumabas na ng bahay 6:30am palang, alas otso pa ang klase. Maaga ako ngayon dahil sa text ni zaikel at hindi a