Apple's POV Nakakatamad!! Ngayon ko lang nalaman na nakakatamad din palang puro kain tulog at computer lang ang ginagawa..gusto kong mga buklat ng libro kaya lang tinatamad ako Nakakatamad naaa.. tapos mamaya palang ang Dec. 24.. sobrang matagal pa “Applee!! Mag ayos ka at bumili ng mga ingredients para sa lulutuin mamaya..” sigaw ni mama mula sa baba At dahil sa tamad na tamad ako sa buhay ko ngayon.. agad akong tumayo para bumili, kinuha ko yung pera kay mama pati listahan ng mga bibilhin at umalis na Baka makahanap ako ng pogi habang naglalakad Hindi ko kasi makakasalubong si Zaikel dito.. nasa US sya dun sila nag Christmas, taray yayaman talaga ng mga yun hindi man lang nag paalam sakin yun baka mamaya hindi na bumalik yun..hindi pa nga nagiging kami..haha joke lang..jokel