"Ano susugudin na ba natin?" gigil na gigil usal ni Rhea ng i-kwento ko sa kanila ang experience ko sa pagmomodel at kagaya ng inasahan ko parang naging halimaw 'yong dalwa sa galit. "Hayaan nalang natin," sagot ko, ayoko na rin kasi palakihin pa. Kung ayaw nila sakin sorry nalang dahil cute pa din ako talikudan man ako ng buong mundo. "Anong ginawa ni Sir Jared?" tanong ni Chelsy. "Pinagtanggol naman ako ni sir" Chelsy sighed. "Mabuti naman, pero bakit parang hindi ka okay? Diba, dapat kinikilig ka?" Sumimangot ako at sumubo ng carbonara na niluto namin. Nandito kasi kami sa apartment, binisita nila akong dalwa. Habang ngumunguya ay nagpa-flashback sa harap ko kung gaano ka-sweet sila sir Jared at Sandra noong photoshoot. Sige nga paano ako kikiligin? "Shira, anong nangyare?" usis