"Hi Lovers!" "Lovers ka dyan!" Inis kong sagot. Humalakhak ang loka loka. "Doon din naman ang punta nyo eh!" "Tigili!" suway ko at napansing hindi niya kasama si Rhea. "Asan si Rhea?" "Ang gagang 'yon bukas pa ang sembreak nasa states na ang loka loka!" "Hindi manlang nagpaalam," sabi ko. "Gaga! Nagtext kaya 'yon!" "Nge? Patay phone ko." "Bakit nga ba patay?" sabat ni Irven at natigil sa pagsusulat. "Uhm, wala lang," kamot-ulo kong sagot pero ang totoo kaya ko pinatay dahil baka magtext si sir Jared or what. Hindi ako assuming dahil noong isang araw fifthy missed calls si sir tapos may mga text, dinelete ko lang at pinatay ko ang phone. "Weh!? Talaga?" Si Chelsy. "Totoo nga!" Kinuha ko ang cellphone ko para maniwala siya. "Okay fine, pero tinext tayo ni Rhea bago umalis--anywa