"M-mom...Dad...si Shira po...girlfriend ko." Gulat na nagkatinginan sila Tita Gail at Tito Alex. Sobrang tahimik ng paligid, nanlalamig pa ang buong kamay ko sa kaba. "H-hello Tita..Tito," nanginginig kong bati para akong mahihimatay, mabuti na lang hinawakan ni sir Jared ang kamay ko ng mahigpit. "Kayo na? What about Sandra?" Hindi pa rin ba kayo nagkaayos?" Tila nanlumno ako sa narinig mula kay Tita Gail. Hindi ito ang inasahan ko. "Mom," bumitaw si sir Jared at lumapit kay Tita. Medyo lumayo sila sa 'kin pero rinig na rinig ko pa rin ang usapan nila. "Jared, Akala ko ba---" "Mom, please wag nyo na ipilit," pigil ni sir Jared. "Gail, hayaan muna," sabat naman ni Tito Alex. Hindi naman nagpaawat si Tita. "Are you sure with this Jared? O baka nalilito ka lang?" "Mom, ano ba 'yang