"So, ayun na nga ang nangyare naglasing si Irven, punyemas ka kasi Shira kwenento mo pa sa kanya." "Sorry na, malay ko ba talagang gusto niya ako, masyado ako masaya ng araw na 'yon girls," paliwanag ko. Inis na tinignan ako nilang dalwa sabay irap. "Ilang araw din nagpaka-wasted ang Irven na 'yon, napauwi pa ako ng Pinas," sabi ni Rhea at uminum ng juice nya. "Sorry na okay?!" Nakanguso ko ng sabi. "Hay! Sige na, by the way ano na ba ang status nyo ni sir? Totoo bang gusto ka na niya?" tanong ni Rhea. Nagbuga ako ng hangin at sumimangot. "Ewan," sabay kibit-balikat. Nagkatinganan 'yung dalwa at hinila ang upuan nila padikit sa 'kin. "Ano? Paki-explain nga Shira?" sabi ni Chelsy. I sighed. "Ganto kasi, sabi ni sir magiging kami daw pagkakuha ko ng diploma sa graduation natin,