Ang natatandaan ko umuwi ako ng araw na iyon na hindi umiiyak. Oo, hindi. Wala akong maramdaman. Parang namanhid ang buong katawan ko. Pero noong makita ko si Papsi. Doon na. Doon na bumuhos ang luha ko. Iyak ako ng iyak. Walang tigil. Para akong pinapatay. Halos magmakaawa na si Papsi na magsalita ako pero wala. Nawalan ako ng lakas. Dahil pinunan ako ng sakit. Naging mabilis ang lahat at kung paano ako humantong sa isang desisyon ay hindi ko na matandaan. "Anak, sigurado ka ba sa desisyon mo?" tanong ni Papsi habang sinisilid ko ang mga damit sa maleta. "Opo Papsi," seryoso kong sagot. DALAWANG Buwan na ang nakalipas mula ng mangyare iyon. Tinaggap ko ang trabahong ini-offer ni Tita Elise sa America at ngayon na ang alis ko. "Kailangan ko magtrabaho Papsi, para satin," saad ko