Hindi ako nakatiis na hindi puntahan sila sir Jared at Sandra mabilis kong tinapos ang pagkain at nagpaalam kila Papsi. Agad ko hinanap sila sir at natagpuan ko sila sa garden ng mansyon. Tumago ako sa halamanan habang nakasilip sa kanila. "Jared please forgive me..." Umiiyak na sabi ni Sandra. Hindi ko makita ang reaksyon ni sir Jared dahil nakatalikod siya mula sa pwesto ko. "You're still love me Jared..." Kinabahan ako bigla habang nag-aabang ng sagot mula kay sir. "Hindi na..." Isang katahimikan ang sunod na nangyare muntik pa akong mapasigaw dahil may palakang dumaan sa paa ko! Waaah. "Hindi totoo yan..." Naiiling na sagot ni Sandra. "Gaano ba kahirap maintindihan na wala na akong nararamdaman para sa 'yo?" Seryosong tanong ni sir habang ako ay nakaramdam na kailangan ko ng um