Biglang naawa si Arida kay Don Eduardo aminado itong naging mabuti sa kanila ang matanda. Iginalang nito ang kanyang pasya na mamuhay silang mag-ina ng simple at normal. Basta hinding-hindi niya ipagkakait si TinTin kapag nasa hustong edad na ito. Na hindi niya pinayagan subalit ngayong nabasa na niya ang sulat ng Don ay naantig ang kanyang puso. May karapatan naman talaga ang Don sa kanyang anak sapagkat apo pa din niya ito. At hindi niya iyon maitatanggi maski itago pa niya si TinTin sa ilalim ng lupa.
Malungkot na nilingon ni Arida si TinTin na abalang nanonood sa television. Napangiti si Arida pinalaki niya ang kanyang anak na inosente sa ibang bagay. Hindi niya pinigilang maging malayang kabataan ito dahil ayaw niyang maagang madama ng kanyang anak kung gaano kagulo ang mundong ibabaw. Iyon nga lang at ang pagkaluka-luka ng kanyang anak ay hindi niya napigilan at nabago kaya hinayaan na lamang nito.
"Natutulala ka na naman sa ganda ko, Inang!" Untag ni TinTin sa Ins nitong nakatingin sa kanya nang walang kagalaw-galaw. Napakurap-kurap naman si Arida at inirapan niya si Tintin.
"Ang pangit mo kaya mana ka sa Tatang mo!" Paingos na sagot ni Arida.
Natawa naman si TinTin at umingos din sa kanyang Ina.
"Kamukha ko ba 'yon ni hindi ko nga nakita ang mukha niya maski isang beses. Nagkabulbol na ako at nagka-amoy na din itong mga kili-kili ko at niregla na hindi ko pa siya nakita!" Nakangusong tugon ni TinTin.
Nawala naman ang ngiti sa labi ni Arida at nilapitan niya ang dalaga.
"Hindi ba sabi ko sa'yo patay na ang Tatang mo maliit ka pa lamang? Kaya dito tayo tumira kasi ayokong maalala ang sinapit niya doon sa kanilang lugar." Saad ni Arida.
"Biro ko lang naman Inang alam kong naiintindihan ako ni Tatang." Hagikhik naman ni TinTin.
Muling napangiti si Arida saka nito hinaplos ang mukha ng kanyang anak.
"May problema ka ba Inang?" Tanong ng dalaga nang matitigan niya ang malungkot na mga mata ni Arida.
Bumuntonghininga si Arida.
"Walang problema anak dangan lamang at kailangan ka na ng Lolo mo sa kanyang tabi. Napagkasunduan namin noon na kapag nasa hustong gulang ka na ay sa kanya ka na titira." Papaano nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni TinTin kilalang-kilala niya ang pangalan ng kanyang Lolo pero sa mukha medyo malabo.
"Inang paano ka? Ayokong magkahiwalay tayo," agad na maktol ni TinTin.
"Anak makinig ka may sakit ang Lolo mo at malubha ito kaya kailangan ka niya sa tabi niya. Hindi bale ako malakas pa naman ang aking katawan saka dadalaw-dalawin kita pangako." Muling paliwanag ni Arida.
Natahimik naman si TinTin na nakatitig sa mukha ng kanyang Inang.
"May karapatan siya sa'yo kasi Apo ka niya anak saka kawawa siya alam mo ba 'yon? Ang kailangan mo lang gawin ay sumunod sa kanya at huwag pairalin ang tigas ng iyong ulo okay? Susunduin ka dito dapat maging mabait ka doon hanggang gumaling ang Lolo mo." Sabi pa ni Arida.
"Bakit Inang ako ba ang magiging Doktor niya?" tanong ni TinTin.
Napakurap-kurap naman si Arida.
"At ang pagkaluka-luka mo maging ang pagka-shunga mo ay pakibawasan doon ha?" May inis na sa boses nito.
Nanulis naman agad ang nguso ni Tintin na napakunot-noo.
"Sinong susundo sa akin Inang iyong mga shokoy na tatlo?" bigla niyang tanong.
Hindi napigilan ni Arida ang tawa nito at napingot niya ang ilong ng kanyang anak.
"Iyang pagka-taklesa mo din ha bawasan mo naku, TinTin napaka-malaiitin kang tao!" Sermon ni Arida pero natatawa naman ito.
"Totoo namang mukhang shokoy iyong tatlo Inang naka-suot nga lang ng pang- mayaman." Giit ng dalaga.
"O, siya oo na mukha na silang shokoy halika ka na at tulungan kitang mag-impake at ipapasundo na kita bukas na bukas din." Pagtatapos na ni Arida sa usapan nilang mag-ina.
"Agad-agad Inang? Hindi pa kaya ako handa," reklamo ng dalaga.
"Bawat oras ay mahalaga sa Lolo mong may sakit Tintin. Hala, halika na para maayos na natin ang mga gamit mo," pagpupumilit naman ni Arida sa kanyang anak pero nagdurugo ang kanyang puso na pansamantala silang magkakahiwalay.
At hindi na nga naka-tanggi at nakareklamo si TinTin. Nagpatinaod na lamang ito sa kanyang Inang na desidido ng patirahin si TinTin sa Lolo nito. Isang maliit lamang na maleta ang nilagyan nilang mag-ina ng gamit ni Tintin at baka bilhan siya ng Lolo nito pagdating niya doon.
"Ang mga bilin ko Tin ha?" muling paalala ni Arida sa dalaga nang tapos na silang mag-empake.
"Huwag po kayong mag-alala Inang nakasulat na dito sa diary ko ang mga bilin mo." Sagot naman ni TinTin sabay pakita kay Arida.
Napangiti naman si Arida kahit may kaba sa kanyang dibdib ay alam niyang makakayanan ng kanyang anak ang tumira sa Lolo nitong mayaman. Nakakatiyak si Arida na hindi pababayaan nga mga tao sa Mansyon ang kanyang anak na matagal na nawalay sa kanila.
"Sige na anak matulog na tayo at tatawagan ko pa ang mga tauhan ng Lolo mo." Sabi ni Arida nang masiguro nitong ayos na ang lahat.
"Sige Inang ikaw din matulog ka na pagkatapos mong kausapin iyong tatlong shokoy." Tugon ng dalaga sabay higa sa kama nito.
Natatawang tumango si Arida pagkatapos ay tuluyan na itong lumabas mula sa kwarto ni TinTin. Nagtungo na din ito sa sarili niyang kwarto at tinawagan nga niya ang numerong naroon sa sulat ni Don Eduardo.
Kinabukasan.
Maagang nagising si Arida hindi dahil maglalako siya ng mga daing at preskong isda. Maaga siya kasi alam niyang maagang susunduin si TinTin sa umagang iyon. Kaya pagkasalang niya ng tubig na gagamitin nila sa pagkape ay ginising na din niya si TinTin.
"Ang aga pa Inang," pupungas-pungas na sagot ni TinTin nang magising ito ni Arida.
"Sige na anak maaga ka nilang susunduin," turan naman ni Arida.
"Nino? Saan ba ako pupunta?" Nakapikit pa rin si Tintin.
Pinitik naman ni Arida ang noo ng kanyang anak.
"Aray!" Daing ni TinTin sabay mulat.
"Bumangon ka na riyan mahaba-haba ang biyahe mo kailangang magkaroon ng laman ang iyong tiyan." Utos ni Arida sa anak nito.
Napasimangot naman si TinTin dahil naguguluhan siya sa sinabi ng Inang nito. Napaisip siya saglit at nang maalala nito ang usapan nila ng kanyang Inang kagabi ay wala na siyang nagawa pa kung hindi bumangon na. Kahit tinatamad pa sana siya ay naghilamos na siya saka nagpunta ng kusina.
"Kumain ka na riyan pagkatapos ay maligo ka na at magbihis." Bilin pa ni Arida sabay upo na sa hapag-kainan.
Iyon na ang huli nilang kainan na magkasabay dahil pansamantala silang magkakahiwalay muna.
"Atat na atat si Inang na palayasin ako dito," himutok ni Tintin sabay higop sa tinimplang kape ng kanyang Ina.
"Hindi sa ganoon anak. Malayo talaga ang biyahe mo maaga kang susunduin dito kaya huwag ka ng magtampo diyan." Tugon naman ni Arida.
Wala na ngang nagawa pa si TinTin kung hindi ang maglagay ng sinangag na kanin at pritong isda at nilagang itlog. May nilagang saging pang naroon at nilagang mais ganoon kasagana ang bawat araw nilang mag-ina. Pero hindi tabain si Tintin medyo payat ito na bumagay sa kanyang height at edad.
"Kumain ka ng marami para hindi ka gutumin at magbawas ka mamaya ha? Para hindi ka matatae sa biyahe mo," bilin pa ni Arida.
"Itinaon talaga ni Inang na sabihin ang jebabs habang kumakain tayo?" Salubong ang kilay ni Tintin.
"Ang dami mong arte riyan wala naman sa harapan mo." Nakairap na turan ni Arida.
Napaikot na lamang ni TinTin ang kanyang mga mata at kumain na nga ito nang kumain. Pagkatapos ay naligo na siya at nagbihis inayos niya konti ang kanyang sarili saka hinintay ang kanyang sundo. Habang hinihintay nila ang sundo ni TinTin ay walang humpay naman ang mga bilin at paalala ni Arida sa kanyang anak. Alam nitong naririndi na si TinTin sa paulit-ulit niyang sinasabi subalit kailangan para hindi ito makalimot.
Maya-maya pa'y dumating na nga ang sundo ni Tintin. Isang magarang sasakyan ang pumarada sa harapan ng kanilang bahay. Kung kaya't nagkumpulan ang mga kanilang mga kapitbahay na para bang may shooting na nagaganap.
"Salamat naman at hindi puting Van itong sundo ko," wika ni Tintin nang makita niyang bumaba ang tatlong lalaking nagpunta doon noong isang araw.
Dinig na dinig nina Arida at Tintin ang bulungan at anasan ng kanilang mga kapitbahay.
"Mga kapitbahay magbabakasyon ako sa malayong lugar naroon kasi ang kayamanan namin ni Inang. Kailangan ko ng bantayan," pilyang sabi ni TinTin sa mga mausyosa nilang kapitbahay.
"Huwag mo na silang pansinin," wika naman ni Arida sa kanyang anak.
"Mamatay kayo sa inggit tse!" Sabi pa ni TinTin sabay irap.
Lihim namang kinurot ni Arida ang tagiliran ng kanyang anak para tumigil na ito. Napangiwi naman si TinTin sa sakit pero nakangiti pa din naman ito.
"Alagaan niyo sana ang aking anak sana habaan niyo ang inyong pasensya sa kanya." Bilin ni Arida sa tatlong lalaki na sundo ni Tintin.
"Huwag po kayong mag-alala Mrs. Bartolome ganyan din po ang bilin sa amin ni Don Eduardo. At kung gusto naman niyo daw sumama ay mas mabuti daw po," sagot ng isa.
Ngumiti naman si Arida. "Okay na ako dito sana makarating kayo ng ligtas!"
Tumango naman ang tatlong lalaki. Humarap naman si Arida kay Tintin na sa mga kapitbahay pa din nila ito nakairap.
"Tin anak, ang bilin ko sa'yo lagi kang mag-iingat nandito lang palagi ang Inang mo." Seryosong bilin ni Arida sa anak sabay yakap.
Mahigpit ding niyakap ni Tintin ang kanyang Inang saka nito hinalikan ang pisngi ng Ginang.
"Mag-iingat ka din Inang. Kapag inaapi ka ng mga tsismosa dito sundan mo ako kay Lolo at doon na tayo tumira." Nakalabing tugon ng dalaga.
Ngumiti naman si Arida at tumango at muli niyang hinaplos ang inosenteng mukha ng kanyang anak.
"Sige na anak sumakay ka na." Sabi ni Arida pagkatapos nilang magyakapan ulit.
Naluluha naman si TinTin at mabigat ang mga hakbang niyang lumulan sa loob ng sasakyan. Sumunod namang sumakay ang tatlong lalaki at sumarado na ang sasakyan. Subalit bumukas ang bintana nitong isa at dumungaw pa si TinTin sabay kaway sa kanyang Inang luhaan na.
"Hoy, mabalitaan ko lang na inaapi niyo ang Inang ko papadukot ko mga laman loob niyo rawwrr!" Biglang sigaw at duro ni Tintin sa mga tsismosa nilang mga kapitbahay. Kahit luhaan ay natatawa na lamang si Arida dahil sa kalokohan ni TinTin. Saka pa lamang pumasok si Arida sa loob ng kanilang bahay nang hindi na nito matanaw ang sasakyang sumundo kay TinTin.