3rd Person's POV;
"Kuya Bullet."bulong ni Daimos ng pag akyat niya sa pinakarooftop ng orphanage kung san nanggaling ang missile nakita niya ang binata at---.
"W-wag po tama na po w-wag po."umiiyak na sambit ng batang babae habang nakasiksik sa pinakasulok.
"His getting my nerve."madilim anyong sambit ng binatang si Bullet bago walang kaano anong higitin ang dalawang patalim nito na nakabaon sa ulo ng lalaki at sipain padapa.
"Hindi ito tauhan ni papa."ani ng binata bago lumapit sa batang babae na umiiyak at---.
"Bitawan mo ako!bitaw!"nag wawalang sambit ng batang babae habang umiiyak na kinabuga ng hangin ng binatang si Daimos.
"Hindi ko iniexpect na pati ang mga inosenteng batang katulad nila madadamay."bulong ni Daimos bago tumingala sa nagdidilim na kalangitan.
"Kailan ba ito matatapos?"dagdag ng binata bago pumikit ng madiin at damhin ang malakas na pagpatak ng ulan.
---
"Pupunasan ko na kayo baka magkasakit pa kayo."ani ng dalaga bago kuhanin ang maliit na towel at punasan ang ulo ng kambal ng---.
"Thalia?"ani ni Mesiree na kinalingon ng batang babae.
"May tattoo kang triple star ano yan?"dagdag ng dalaga bago bahagyang ibaba ang kwelyo ng batang si Triton na may hawak na toy robot.
"Wala kang marka Triton."bulong ni Mesiree na kinatingin ni Dark sa pwesto ng tatlo.
"Because im not human."sagot ng batang si Triton na sa unang pagkakataon narinig ng dalagang magsalita.
"What do you mean Triton?"sabat ng binatang si Dark bago lumapit sa kambal.
"Nakaprogram ako para protektahan si Thalia."sagot ni Triton na kinalaki ng mata ni Mesiree.
"Wait Dark sabi mo kambal yung mga kapatid mo."ani ni Mesiree na kinatigil ni Dark.
"Nasaan ang totoong kakambal ni Thalia?"tanong ni Dark na kinatingin ni Triton.
"I don't know."sagot ni Triton na kinamura ng binata.
"s**t!"
---
"Hindi ako makapaniwala na makakagawa ng ganitong bagay ang isang batang limang taong gulang lang."hindi makapaniwalang komento ni Hector habang nakatingin sa batang nasa loob ng isang detector machine para icheck ang katawan batang humanoid.
"May sariling pag iisip ang humanoid may senses din ito katulad ng sa mga tao, may solar absorber din ito kaya pag nauubusan ito ng power tumayo lang ito sa araw makakaabsorb na ito ng energy ang problema dito....ang tanging nakaprogram lang sa batang yan bantayan at protektahan si Thalia bukod dun wala na hindi ito pinagagalaw ng kung sino kaya hindi ko matrack kung nasan ang maker niya."ani ni Hector habang hinihilot ang sintido.
"Malaking problema toh."ani ni Dark habang nakatingin sa batang si Triton.
---
"Thalia nasan ba talaga ang kapatid mo?"tanong ng dalaga habang sinusuklayan ang buhok ng batang babae.
"Naiwan siya sa madilim na lugar na yun mama."sagot ni Thalia na kinatingin ng dalaga.
"Ibig sabihin alam mong hindi yun ang kuya mo?"tanong ng dalaga na kinatango ng marahan ng batang babae.
"Gift niya sakin si Triton nung 5th birthday ko dahil busy lagi si kuya at wala akong kalaro ginawa niya si Triton para maging kalaro ko."mahinang sagot ni Thalia habang nangingilid ang luha.
"He always protect me at gusto ko na ulit siya makita."sagot ng batang babae na dahilan para yakapin siya ng mahigpit ni Mesiree ng makitang umiiyak na si Thalia.
---
"Dark."ani ng dalaga ng makita ang binata na nakaupo sa sahig sa gilid ng kama habang nakatingin sa kisame.
"Kanina ka pa dumating?"tanong ulit ng dalaga pero ng hindi sumagot ang lalaki naglakad ito palapit at umupo sa tabi ni Dark.
"Iniisip mo pa din ba ang mga bata?"tanong ni Mesiree pero imbis sumagot pinatong lang ng binata ang ulo nito sa balikat ni Mesiree.
"Para sakin ang kamatayan ang solusyon sa gulo at paghihirap ng buong mundo."ani ng binata na kinatahimik ng dalaga.
"Pero ng makita ko ang katawan ng mga batang inalagaan ko ng ilang taon binihisan at pinakain ko, pakiramdam ko parang gumuho na lang bigla ang mundo ko nawasak at nadurog."dagdag ni Dark bago pumikit ng madiin.
"Tuwing kasama ko sila pakiramdam ko nasa paraiso ako napapalibutan ng mga inosenteng anghel hindi ako nag iisa kahit pansamantala lang nakaramdam ako ng kalayaan at saya pero kahapon ng makita ko yun, nung una naisip ko malaya na sila pero tangina hahahaha san sila magiging malaya kung sa buong buhay nila dito sa lupa di nila naranasan maging masaya at magkaroon ng pamilya!"sigaw ng binatang si Dark na kinaluha ng dalaga dahil ramdam na ramdam niya ang hinanakit sa boses ng lalaki.
"Hindi nila naranasan makapagtrabaho,makapamilya at magmahal hindi din nila naranasan,masaktan,lumaban at may matutunan hindi Mesire hindi."bulong ni Dark dahilan para yakapin ng dalaga ang ulo ng binata ng marinig ang pagcrack ng boses ng binata.
"Lakasan mo ang loob mo Dark yung mga batang yun siguradong nasa langit na silang lahat at pinanonood ka ngayon malulungkot sila pag nakita kang ganito."ani ni Mesiree habang pilit na inaayos ang boses para sa lalaki.