3rd Person's POV;
Nang magsimula ng iihip ng dalaga ang plawta niya walang sino man ang nakagalaw kahit ang binatang si Crios na kasalukuyang naliligo sa dugo ng mga kalaban patuloy lang ito sa pagtugtog ng---.
May isa pang tunog ang naging dahilan para mapaubo ng dugo ang dalaga at makagalaw ang lahat.
"A-Ate."bulong ng dalaga ng makita niya ang isa sa mga kapatid na tumutugtog ng Lyre.
"Nagustuhan mo ba ang aking musika Mesiree?"nakangising tanong ng dalaga ng makitang mapaluhod ang kapatid.
"A-Ano bang g-ginagawa m-mo ate bak---."
"Kasalanan niyo itong lahat dahil sainyo nasira ang plano sa pagwasak sa mga Aragon."nanggagalaiting sambit ng dalaga habang patuloy ito sa pagtugtog ng Lyre.
"Dahil sa mga Aragon namatay ang mga kapatid at papa ko sila ang may kasalanan bakit naubos ang mga Lacson tapos malalaman ko ja lang nagbigay ng utos ang empress protektahan ang mga tagapagmana?"ani ng dalaga bago humakbang palapit kay Mesiree na kinaluhod ng dalaga.
"Kung kinakailangan patayin ko kayo at gumamit ng iba para mapatay ko ang mga Aragon na yan gagawin ko."nanggagalaiting sambit ng dalaga.
---
Napaluhod ang binata ng may tumamamg patalim sa hita niya at pamamanhid sa kaliwang braso ng matamaan ito ng bala.
"Ang tapang mi ha?!"sigaw mg isa sa mga tauhan ng mga Aragon bago malakas na sipain si Crios na dahilan pala mapahiga ito sa sahig.
"Patayin ang lalaking y---."ng itutusok ng pinaka head ng security ng mga Aragon ang hawak nitong katana may palakol na humarang dito na kinaangat mg tingin ng lalaki sa bubungan ng kotse.
"Tsk tsk masyado ka namang harsh hindi na nga kaya ng tao diba?"ani ng dalaga magsasalita ang lalaki ng iwasiwas nita ang hawak na palakol at tumalsik kung saan ang ulo ng apat na lalaki na nasa paligid ni Crios na kinaatras ng natitirang mga tauhan ng mga Aragon.
"Ang isa sa Death Squad!"sigaw ng isa sa mga tauhan ng mga Aragon na kinangisi ng dalaga.
---
Napaubo ang dalaga at napahawak sa ulo ng makaramdam siya ng hilo ng biglang---.
"s**t!"mura ng babae ng bigla itong tumalsik kung saan at mabitawan ang hawak na Lyre.
"May isang salita ang mga Lacson Song."ani ng babaeng may puting hood habang nanggagalaiting tiningnan ang babae.
"Yan ba ang tinuro sayo ni tito?"ani ng babae bago---.
"Wag!"sigaw ng dalagang may nagmamay ari ng Lyre ng damputin ito ng Empress.
"Napakasagrado ng kagamitan na ito para lang mapunta sa tulad mo."ani ng babae bago tingnan ang ilan sa mga Aragon na papunta kung saan.
Pero bago pa ito makapasok sa kagubatan kung saan dinala ni Chaos ang kambal nagsimula ng tumugtog ng plawta ang Empress at---.
"E-Empress."bulong ng dalagang si Mesiree ng makaramdam ito ng sobrang panghihina bago bumagsak at magdilim ang paningin ng tuluyan.
---
"Thalia wag ka ng umiyak magiging okay din si Kuya Triton,mama at papa mo."pagpapatahan ng dalagang si Madison sa batang babae ng pagkagising na pagkagising nito hanapin ang mag asawa at kakambal.
"Oy Kuya Hector ikaw na may anak satin ikaw magpatahan."ani ni Jedal bago sikusikuhin ang kapatid na nasa harapan ng kama.
"Sakin ba lumaki yung kambal?wag nga ako malay ko b---."
"Wag na nga kayo maingay umiiyak na nga yung bata."saway ng dalaga sa magkakapatid na nasa likuran niya.
"Mama, papa*sob*."mas lalong umiyak ang batang babae na kinangiwi ng binata.
"Ang ingay anong gagawin natin?"tanong ni Killua ng---.
"Bata gusto mo ng ice cream?"biglang sulpot ni Hellion kung saan na kinatigil ng batang babae.
"Gusto mo?"tanong ni Hellion kay Thalia na kinatango ng batang babae habang sumisinok sinok dahil sa kaiiyak.
Na kinahinga ng maluwang ng apat na binata ng tumigil na ang batang babae.
"Si Hellion lang naman pala ang kail---."
"Pareho kasi silang isip bata."putol ni Hector na dahilan para batukan siya ni Luther na kinamura nito.
"Umayos ka nga satin magkakapatid ikaw lang ang may anak pero wala kang magawa para patahanin ang iisang bata lang tss."ani ni Luther na kinaismid ni Hector at kinatawa ng dalawang binata.