09

522 Words
3rd Person's POV; "Ano nga pangalan niyo?"tanong ni Mesiree sa dalawang bata habang nasa byahe. "Wala po kaming pangalan mama."sagot ng batang babae habang nakaupo sa lap ni Mesiree na nasa passanger seat. "Ganun ba sige bibigyan ko na lang kayo ng pangalan."nakangiting sambit ng dalaga na kinalingon ng batang babae. "Talaga mommy ano pong pangalan?"excited na tanong ng batang babae. "Ikaw si Sweet Thalia ahm Win--. "Aragon."putol ni Dark sa sinasabi ni Mesiree na kinatingin ng dalaga. "Hindi pwedeng gamitin yun ng mga bata noh Lacson ba lang."nakangiting sambit ng dalaga bago tingnan ang kambal. "Ikaw si Sweet Thalia Lacson Aragon."ani ng dalaga na kinakinang ng mata ng batang babae. "Hihi ganda."komento ng batang babae. "Tapos yung kakambal mo naman."ani ni Mesiree bago tingnan yung batang lalaki na nasa tabi niya na nakatingin din sa dalaga. "Ikaw si Kisseo Triton Lacson Aragon."nakangiting sambit ng dalaga. Walang reaksyon ang batang lalaki pero kitang kita sa mga mata nito ang sobrang saya. "Pero siyempre dapat pag nasa school na kayo Lacson ang gagamitin niyo secret yung Surename ng papa niyo kasi Pangit."bulong ng dalaga na kinahagikhik ng batang babae na kinaismid ng binata. "Hihi si Papa pangit sulname."humahagikhik ba sambit ng batang babae. --- "Grabe gaganda ng lahi niyo."komento ni Mesiree habang nakatingin sa kambal na natutulog sa kama. "Bakit hindi ka nagulat ng sabihin kong isa akong Aragon"tanong ni Dark na kinatingin ni Mesiree. "Kilala mo lang ang pangalan ko pero di mo alam kung ano ako."ani ni Mesiree bago umiwas ng tingin. "Mga bata pa lang tayo pareho ng landas ang tinatahak natin yun nga lang magkaiba tayo ng kalsadang dinadaanan."bulong ni Mesiree. "Anong ibig mong sabihin?"tanong ni Dark na kinabuga ng hangin ng dalaga. "Isa ang pamilya ko sa matagal ng panahong nanilbihan sainyo pero ang kapalit ng ginawa ng nga ninuno namin sa pamilya mo, sinunog lang naman ng tatay mo ng buhay ang buong angkan ko."sagot ng dalaga na kinatawa nito ng mahina. "Isa lang ako sa mga Anino ng pamilya niyo kaya nga siguro hindi mo alam kung sino ako...pero ako kilalang kilala kita."ani ng dalaga na kinatigil ng binata. "Andito ka ba para maghiganti?"tanong ni Dark na kinaangat ng tingin ng dalaga. "Kung balak ko yun nung araw na nilalagnat ka at tayong lang dalawa pinatay na kita."sagot ng dalaga bago tumalikod at kinumutan ang kambal na mahimbing na natutulog. "Kung hindi siguro ni papa ang huling habilin niya samin siguro yun nga ang mangyayari satin lalo na't hanggang ngayon binabangungot pa din ako ng araw na makita kong masunog ng buhay ang mama ko sa mismong harapan ko para lang iligtas kaming mga anak nila."bulong ng dalaga hanggang sa hindi namamalayang naiyak na ito habang nakatingin sa kambal. "Kitang kita ko kung pano ngumiti si mama samin ng makita niya kaming sama sama na at si papang pilit na inaabot ang ina namin para mailigtas."humihikbing dagdag ng dalaga. "Mesiree."bulong ng binata bago humakbang at yakapin ang dalaga mula sa likod na kinatigil ng dalaga. "S-Sorry."bulong ni Dark na kinatakip ng dalaga ng bibig at pilit na pinikit ang mga mata para tumigil ang paiyak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD