NAPAHINGA na lang nang malalim si Justin nang umupo si Light at Dark sa magkabilang side nila ni Shine. Ipinatong pa ng mga ito ang mga braso sa kanyang balikat at sinimulan na naman siyang kulitin. "Hindi mo naman sinabi na gusto mo pala ng dessert, bro. Mayroong leche flan sa bahay, hindi sana labi ng bunso namin ang pinapapak mo," pilyong tukso ni Dark sa kanya bago malakas na tumawa. Napakamot na lang siya sa ulo dahil kakulitan ng magkapatid. "Tigilan ninyo nga si Justin. Wala ba kayong ibang gagawin at si Justin na naman ang napagtripan ninyong dalawa?" saway ni Shine sa mga kapatid at sa dalaga naman bumaling ang atensyon ng dalawa. Parehong may nakakalokong ngiti ang mga ito sa labi na ikinaikot ng mga mata ni Shine. "At ikaw naman, bunso... gustong-gusto mo naman ang ginagawa n