Kabanata 18

1868 Words

INALAGAAN ni Justin si Shine hanggang sa mawala ang lagnat nito. Pero hindi pa rin niya ito hinayaang lumabas ng silid dahil alam niyang masakit pa rin ang nasa pagitan ng mga hita ng dalaga. Bawat pagkilos nito ay nakaalalay siya at lahat ng gusto nito ay ibinibigay niya para hindi na ito umalis sa ibabaw ng kama. Lagi nitong sinasabi na kaya na nitong kumilos mag-isa at hindi na niya kailangan pang alalayan at alagaan ito pero dahil matigas ang ulo niya ay hindi niya sinunod ang gusto ni Shine. Siya ang may kasalanan kung bakit masakit ang nasa pagitan ng mga hita nito, kung bakit ito nasasaktan at nahihirapang kumilos kaya nararapat lang na pagsilbihan niya ito. Maghapon niyang inalagaan at pinagsilbihan si Shine hanggang sa umuwi ang mga magulang niya. Hinanap ng mga ito si Shine nan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD