"PASENSYA na sa mga sinabi ni Jayvee kanina. May pagka-OA lang talaga siya minsan," wika ni Caren nang makalabas ito sa kusina. Wala ng Jayvee na umaligid sa dalaga dahil umalis na ito kanina habang masama ang tingin sa kanya. "No, it's fine. I'm just teasing and testing him earlier. Pero totoo ba ang lahat nang sinabi niya? Kayo na ba talaga?" nag-aalangang tanong niya at muli siyang nakaramdam ng lungkot at panghihinayang nang tumango si Caren. Pero mabilis niyang ikinubli iyon at pinalitan niya ng isang ngiti, isang malungkot na ngiti. "Oo, totoo ang lahat nang sinabi niya kanina. I am his girlfriend at may problema lang kami ngayon. I'm just playing hard-to-get to give him a lesson. By the way, kumusta ka na pala?" sagot ni Caren at mahina siyang tumawa sa 'playing hard-to-get' na si