Ngumiti lamang ito na para bang joke lamang para rito ang isiniwalat niyang obserbasyon niya sa nobyo nitong si Renz Dela Rama. “No, he wasn’t, Mr. Lazzaro. I know him. Hindi magagawa ni Renz ang mag-cheat sa akin.” “Pero nakikipaglapit at nakikipaglampungan siya sa mga kapwa niyang modelo na mga kababaihan! Huwag mong sabihing hindi mo man lang pansin ‘yon?” Siya naman ngayon ang tunog hindi makapaniwala. “No,” patuloy nitong pag-iling at pagtatakip sa nobyo nito. “I know Renz very well. Hindi ‘yon ang tipong magchi-cheat sa akin. No, I guess you just got him wrong, Mr. Lazzaro, alam mo kasi ganyan lang talaga siya. Nature na niya ‘yan. Charming siya kaya lapitin ng mga kababaihan, I can’t blame my boyfriend, though. And yes, he’s friendly to almost everybody, but believe me, hindi siya

