Naihilot ko na lamang ang aking kamay sa aking sintido. Parang sasakit ang ulo ko sa mga hindi ko inaasahang mangyayari ngayong araw... lalo na ito. Ang muli naming pagkikita ng lalaking minsan sa buhay ko'y pinag-alayan ko ng lahat-lahat. "Hon, okay ka lang? You look so pale." nag-aalalang pansin bigla sa akin ni Matteo. Ngumiti ako at umiling. "I was just too overwhelmed that we were able to make it, hon." "Ganoon ba? Maraming salamat, hon." he even kissed me on the forehead. Pumikit ako ng mariin. I don't like what I am feeling right now. Everytime my old flame was near me, my same old feelings seemed to rekindle! And it's damn wrong, for Peke's sake I'm an engaged woman now! "Rest room muna ako." Hindi ko na hinintay na sumagot si Matteo at nagmadali na ako papuntang rest room. H

