Sa kabila ng mga problema, matapang pa rin si Callix na humarap isang araw kina Aubrey at laking gulat pa nga ng pamilya Marcelino nang mapagbuksan siya standing tall and brave right next to their doorstep. Siyempre, hindi inaasahan ng mga ito ang lakas ng kanyang loob na muling magpakita sa pamamahay ng mga ito lalo na sa daddy ni Aubrey pagkatapos ng ginawa niya noon. Alam niyang maari siyang mapahamak, pagkainitan ngunit hindi na niya inisip o inintindi iyon. Mabugbog man siya, masumbatan o masaksak muli ng masasakit na salita tatanggapin niya nang buong-buo alang-alang sa kanyang anak, alang-alang kay Audri na makita at makapiling din niya ang kanyang anak. “Ikaw? Anong ginagawa mo rito?” Hayan na nga’t mataman at nasa tinig ni Rael Marcelino ang galit nang makita siya. “Good day, S

