NANGYARI na sa wakas ang face to face sa pagitan ng dalawang lalaking nagtutunggali sa puso ni Aubrey. Nasa mall sila no’n ni Renz at sinamahan siya sa grocery store ng kanyang kaibigan na para na rin talagang totoong kapatid niya tapos unexpectedly naroon at nagtutulak din ng cart ng mga bibilhin nito ang kanyang ex-boyfriend, at nag-iisa yata ito, walang sinumang ibang kasama. “Aubrey, hi! It’s good to see you here!” magiliw pang bati nito sa kanya ngunit unti-unting napalis ang ngiti at nahaluan ng disgusto ang mukha nang mapagtanto ni Callix na hindi siya nag-iisa. Nasa tabi niya si Renz na nagtutulak ng cart ng mga bibilhin nila. “Yeah. I-I didn’t expect I would see you here,” awkward namang tugon niya habang awkward din ang ngiti. She then decided to introduce the two to each one

