Pagkarating sa paroroonan, tinanong nila ako kung ako ang may pasimuno sa pagkakasunog ng ancestral house at kung naroon ako nang mga sandaling kasama si Morgan Lazzaro sa natutupok ng apoy. Paulit-ulit kong itinanggi ang akusasyon nila na ako ang pumatay sa daddy ni Francine dahil walang anumang katotohanan ‘yon at hindi ko magagawa ang ganoong bagay, lalong-lalo nang hindi kay Francine dahil alam ko kung gaano niya kamahal ang ama niya at kung gaano sila kalapit noong nabubuhay pa iyon. Nakaupo ako sa harap ng mahabang mesa at tahimik na naghihintay kung anong susunod na gagawin sa akin ng mga pulis, kung palalayain ba nila ako at pauuwiin sa bahay ko o kung ano. Bigla ko ring naalala si Francine, napatayo akong bigla! Si Francine! Naghihintay na malamang siya sa akin sa mga sandaling

