MY bubble just bursted so quickly nang mas tumamis pang lalo sa mismong harapan namin ang titigan at suyuan nina Rael at Gracee sa isa't-isa. Kinuha lamang naman ni Gracee ang isang kamay ni Gracee, dinala 'yon sa kanyang labi saka masuyo at madamdaming kinintalan ng halik--isang bagay na hindi din niya ginawa dati sa iba at sa akin lang siya ganyan kalambing. Ang sakit-sakit makitang may iba na... na ginagawa na niya sa iba ang dati ay sa akin lang! "I needed to fix myself first. Masyado akong maraming pinagdaanan noong bago ako umalis ng Pilipinas, kaya sabi ko sa sarili ko, ayusin ko muna sarili ko bago ako muling humarap sa inyo, bago ako muling personal na humarap kay Gracee at sa inyong pinakamalalapit sa kanya--pamilya at mga mahal niya sa buhay," sincere na suporta at paliwanag p

