"Off? Ibig sabihin, wala na talagang pag-asa? O baka naman mamo-move lang?" Umiling siya. "No, off na talaga. Wala nang kasalan pang mangyayari dahil hiwalay na rin kami. She's no longer my fiancée nor even my girlfriend. Nakipaghiwalay na talaga siya sa akin." "My! I'm so sorry, bro!" "Hindi, bro. Okay- okay lang!" aniya pero laglag ang mga balikat. "Ano ba kasing nangyari? Ba't sa mismong araw pa ng kasal ninyo umatras at nakipaghiwalay gayong naihanda na ninyo ang lahat-lahat!" "She saw my pictures clubbing around with girls, flirting and kissing them. Wala eh. She just really caught me cheating, and yeah, she snapped it on my face that she doesn't want to spend her lifetime with a cheater and womanizer like me." "My! Kaya naman pala! Ba't ba niya nakita? Who showed the pics to he

