KUNG akala ko ‘yon na ang pinakamasakit at doon na nagtatapos ang lahat, hindi ko akalaing may mas sasakit pa palang talaga. Kung akala ko pinakamasakit na ‘yung harap-harapan akong ipagtabuyan na para akong nakakadiring cheap na babae sabay harap-harapang ipamukha sa akin na hindi na ako ang gusto niya, nagkakamali ako. Hindi ko akalaing mas masakit pala kapag ako mismo ang nakakita sa kanilang dalawa sa akto… na sa dalawang mga mata ko mismo ay nasaksihan ko ang isang napakasakit na pangyayaring sana ay hindi ko na lang nakita! Umagang tapat no’n at umuwi ako sa bahay dahil may nakalimutan akong kukunin ko. Walang ibang tao kundi si Gracee lang. Ang kapatid kasi niya’y may pasok sa eskuwelahan, may upcoming exams pa. Si Matteo ay may trabaho sa opisina, si mommy ay pumunta ng La Hotel,

