"Ah, sina Xyla at Rael nga pala, hija. Tawagin mo sila at nang saluhan tayo sa mga niluto ko ngayong tanghali." Napangiwi at nawala bigla ang ngiti ko kasabay ng pagkawala ng excitement at gana ko sa pagkain. "Ma, 'wag na po." "Anong huwag na? Masamang ipinagdaramot ang grasya kaya sige na, kumatok ka na sa pinto ni Rael at imbitahan silang dalawa rito." I rolled my eyes silently. "Ma, may sarili naman siguro silang pagkain sa kanila. Baka nagluto rin naman sila ng pagkain nila." "Sige na, Francine." tinignan na ako ni mommy ng tingin ng nag-uutos na ina na hindi dapat tinatanggihan ng anak. "Ah, tita, may point naman po si ate France eh. May sariling pagkain din naman siguro sina kuya Rael at ate Xyla sa kanila." singit ni Gracee nang nakangiwi din. "See? Gracee's agreeing with me!"

