(Rael) NAGISING ako na wala nang araw nang tumunog ang alarm ng cellphone ko mula sa bedside table. Patamad na bumangon ako at tiningnan ang screen bago ini-off ang snooze. Wake up na. You need to take your dinner and medicine para gumaling ka ng tuluyan. Napangiti bigla ako. Isang tao lang ang alam kong gumawa nito at siya ring nag-set ng alarm. Kita ko rin ang mga pagkain at prutas na hinanda niya malamang bago siya umuwi sa kanila. Si Francine. Mabuti-buti na ang pakiramdam. Bumaba na rin lagnat ko, kahit na papaano. All are because of her. Ang laki ng naitulong niya sa akin. Hindi niya ako pinabayaan. Just like before, still the same how she truly cares for me… Ilang sandali pa'y nag-vibrate ang cellphone ko at kaagad na ini-open ang text message sa akin ni Francine. Francine: I

