He smiled at her. "Salamat, tita." pagkatapos ay muling binalingan si Matteo. "Kaya nga hindi na rin ako nag-atubiling tumulong kasi doon din ako nanggaling dati at naiintindihan ko ang sentimyento mo." "Ngayon ay alam ko na. Maraming salamat, pare." tango ni Matteo rito. Rael looked at me again and I looked at him back. Now, I know that partly I am not really his whole reason why he has to come back, invested in my fiancé's business and helped us. Hindi ko tuloy alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Kung matutuwa ba akong at least ay hindi naman pala talaga dahil gusto niyang guluhin kami ng fiancé ko kaya siya tumulong, o manghihinayang kasi kahit papaano'y umasa akong baka may natitira pa siyang damdamin sa akin at nais niyang gawin lahat para lang mabawi ako. Ewan ko ba sa mga i

