"Ah, hulaan ko. Nasa study siya ngayon at abala sa pagtatrabaho kaya sayo siya nagpa-please na ipakuha ang flashdrive. Tama ba ako?" smart-guess niya. Napangiti na lang ako. "Tama ka. Eksaktong-eksakto." "Sabi ko na nga ba. Hali ka, tuloy ka," aniya saka niluwangan ang pinto para papasukin ako. Pumasok nga ako. Iginiya niya ako sa kanyang malaki at malawak na sala. "Maupo ka muna. Hahanapin ko saglit yung flashdrive." Tumango ako sa sinabi niya at naupo nga sa pinakaunang sofa na nakita ko. Nasa hagdan na siya papaitaas nang may maalala at muli akong nilingon. "Ano nga pala gusto mo? Coffee, juice or tea?" Umiling ako saka marahang ngumiti. "Okay lang kahit wala na." "Sigurado ka ha?" Tumango ako. Ngumiti rin siya saka dumiretso na. Nang mga sumunod na araw, si mama naman ang ma

