HINDI halos ako nakatulog kinagabihan dahil iniisip ko si Rael. Sa totoo lang, magmula noong bumalik siya’t nalaman namin na buhay pala siya, palagi ko siyang naiisip. Bago ako matulog sa gabi, iba man ang katabi ko sa kama at kapiling, deep inside my heart, si Rael pa rin ang palaging nasa puso’t-isipan ko. Biglang bumalik sa aking isip ang naging mahalinlinang sayaw namin kanina. The look in his eyes the way he stared at me… I still saw pain, sadness, and longing… hindi kaya, he’s still into me after all these years and after all that happened? Bigla kong naisip na kung mas matagal nga na panahong umalis siya noon ng bansa at bumalik siyang ako pa rin ang mahal niya’t ginawa niya lahat para mabawi ako kay Matteo kahit pasekreto pa, ano pa kaya ngayong four years lang ang itinagal ng pag

