GULONG-GULO si Callix. For the past few days, ang mga palaisipang 'yon pa rin talaga ang gumugulo sa kanyang utak. At siyempre, hindi iyon nakaligtas sa paningin ni Aubrey lalo pa’t madalas na tila malayo ang tingin niya sa kawalan at parang laging malalim ang iniisip nitong mga nakaraan. “Lix, okay ka lang ba? Napapansin ko kasi these past few days, parang laging may malalim kang iniisip, ayos ka lang ba?” “Ha?” tila pa balingag na anito tapos ay bahagyang natatawa sa sarili na umiling-iling. “Pasensya ka na, ah? Busy at pre-occupied lang kasi ng requirements ang utak ko nitong mga nakaraan. Pasensya na, babe.” She understandingly smiled and held his hand. “If there’s anything I can do to help, sabihin mo lang sa akin. I am all willing to do anything basta ba matulungan kita

