Naging maayos na ang linggo sa akin ng pagbabalik ko sa paaralan. Wala naman akong problema sa pag-aaral dahil naka-cope up naman agad ako despite of new topics and lessons, ganoon din sa mga gawain sa paaralan bilang working student. Dala-dala ang dalawang trashbag sa dalawang mga kamay ko na ini-recycle ko mula bio and non-biodegradable, namataan ko si Francine na papalabas ng paaralan pero hindi ito nag-iisa. May kasama ito na outsider at inakbayan pa siya hanggang sa makasakay siya sa kotse nito. Nanliit lalo ako sa sarili ko. Ang yaman, ang gara-gara nung lalaki (kung sino man iyon na mukhang idine-date ngayon ni Francine). Walang-walang sinabi ang bitbit kong trashbags sa hawak-hawak nuon at pinaglalaruan sa daliri na car keys. Napailing nalang ako at ididiretso nalang sana ang ma

