"Ang tanong lang naman dito, mahal mo pa ba? Mahal mo pa rin ba si Callix, anak? Kasi kung hindi na, at least totoong mapatawad mo man lang siya dahil deserve mo din naman ang sumaya nang totoo at nang wala nang pinanghahawakang grudge diyan sa puso mo, at kung oo naman ang sagot, walang dahilan para tikisin mo pa 'yang sarili mo dahil pareho lang din kayong mahihirapan kapag nagpatuloy kayong itinatanggi sa isa't-isa ang katotohanang ang isa't-isa pa rin ang hanap-hanap ninyo. Alam mo kasi, 'nak, the more na pahihirapan at sasaktan mo 'yung taong alam mo naman sa sarili mong mahal na mahal mo pa rin, the more lang din na magiging torture diyan para sa 'yo mentally and emotionally." Mahal pa nga ba niya? Mahal pa rin ba niya si Callix after all these years? Of course, she knows very well

