“NAKS! Lapit nang ikasal kaibigan namin, ah!” Callix’s friends teased him in school. Maliban kasi sa family ni Aubrey ay ang mga matatalik na kaibigang ito ni Callix na sina Benedict at Avelino ang nakakaalam ng tungkol sa pagpapakasal nila ng nobya. Katatapos lamang nilang mag-free call ni Aubrey. Wala kasi itong pasok ngayon pero nanatili sa bahay dahil may tinatapos na mga requirements, samantalang siya nama’y vacant period pa nila kaya tinawagan na muna niya ang dalaga, and almost thirty minutes din naman ang naging tawagan nila at kuwentuhan nila ng kung anu-anong mga bagay lang. Tamang-tama na nang magpaalam ito para mas makapag-focus na sa ginagawa ay saka naman pumasok ng classroom sina Ben at Avi na galing yata ng canteen. Wala pa ang prof. nila for the next subject

