Nag-excuse nga ang huli sa amin para lumayo at sagutin ang tawag. I don't know what is the caller up to or who is the caller kasi mostly ay clients lang din naman 'yan o kaya nama'y mga kasamahang executives ni Matteo sa trabaho, talking and discussing business-material discussions. Nakabalik si Matteo at muling ibinalik sa P.A ang cellphone nito. Nagpatuloy kami hanggang sa natapos sa pagkain. Nagpaalam na kami sa mga tao dito sa bahay nang lumabas na kami ni Matteo at papatungo sa kanyang kotse. Lalabas kasi kami ngayon para sa kanya-kanya naming trabaho. Ako ay dadaan para kumustahin ang La Hotel Phils samantalang siya naman ay diretso sa kompanyang Cente. "Good morning po, maam, sir!" bati sa amin ng nadaanan naming pabanjing-banjing naming gardener at yard maintenance na si Matias.

