CHAPTER SEVEN

1562 Words
"MOMMY, DADDY, maniniwala ba kayo sa akin kung sasabihin kung matagal ko ng alam ang nasa panaginip ko? Ibig kong sabihin ay ang taong ilang taon ko nang hina-hunting?" ani Santi sa mga magulang. "May tiwala naman kami sa iyo, anak. Kaya't natural na paniniwalaan ka namin ng Mommy mo. Maliban na lang kung sasabihin mong mag-aasawa ka na ay talagang hindi ako maniniwala," saad ng huli kaso irap at ismid ang napala sa asawa. "Tsk! Tsk! Maganda na nga sanang pakinggan kaso dinagdagan mo pa talaga eh! Maari bang umayos-ayos ka?" anito. Kaya naman ay napahagikhik ang binatang ilang taon ng nalagas sa kalendaryo ng mahal na ina. "Si Mommy talaga eh. Wala naman pong masama sa sinabi ni Daddy. At tungkol sa mag-aasawa ako ay wala pa talaga sa aking isipan." Nakatawa niyang pagitna. Dahil kung hindi niya gagawin iyon ay siguradong 'Espanyol ' na naman ang tawag ng ina sa ama. "See, wifey? Umamin ang binata natin---tama. Siya lang naman ang walang asawa sa kanilang magkakapatid. Sabi nga ni insan Aries ay silang dalawang bugnutin ni Hugo ang hindi makapag-asawa. Dahil sa pabago-bagong ugali," muli ay giit ng Ginoo. "Nandoon na tayo, Espanyol ko. Pero seryoso nga ang matandang binata na ito---" "At ano naman ang nakakatawa sa sinasabi ko, Santiago Enrico Cameron?" Ayon! Binanggit na ang buo niyang pangalan! Kaya naman ay lumawak ang ngiting nakabalot sa kaniyang mukha. Umusog siya sa kinauupuan ng ina saka umakbay dito. "Murder na po kasi iyon, mother earth. Sabi nga ni Mama Janina ay kahit ano na lang. But, seriously, nakakatuwa po talaga kayo ni Daddy. Wala yatang oras na hindi kauo nagbabatuhan ng nakakatawang salita. Huwag ka ng magalit. Dahil masisira ang maganda mong mukha." "Kung ganoon ay bumalik tayo sa sinasabi mo kanina, anak. Huwag mo kaming alalahanin ng iyong Daddy. Dahil simula't sapol ay ganyan na ang turingan namin. Tama ba ang nasa isipan ko tungkol sa taong tinutukoy mo?" patanong na pahayag ng ina. "Ayan ang Mommy mo, anak. Maaring ilang taon na siyang nagretera sa Madrid Court pero kapwa mo siya abogado. Sigurado naman akong magkarugtong ang isipan ninyo sa mga ganyang usapin," saad pa ng ama. Hindi siya kaagad sumagot. Dahil kumuha siya ng maliit na papel at ballpen sa lamesa. Then... "F*ck! How dare him! Isa siyang kagalang-galang na tao! Hawak ang pinakamataas na puwesto sa military division! Ngunit nagawa pa rin niya ang nga ganoong bagay? D@mn him!" Ayon na naman ang init ng ulo ng mahal na ina. "Kung siya ang mastermind sa lahat ng kamalasan sa gobyerno ay bakit hindi kayo lumapit sa royal house? Dahil ama siya ng military department kaya't sigurado akong malaki ang hawak na organisyon. Hindi lamg iyon, sa bawat departamento at ibang sangay ng kumunidad ay mayroong itinalagang espiya. Tanging ang Royal House ang hindi niya maaring pasukin ng basta-basta." Mahaba-habang pahayag ng ama. Kaya naman ay napatingin siya rito. Dahil aminin man niya o hindi ay lihim siyang napahanga sa paliwanag nito. Lalo at bihirang magsalita pagdating sa kaniyang trabaho. "Naisip ko na po iyan, Daddy. Maaring nasa Madrid Court ako bilang isang abogado. Pero wala naman akong kakilala sa mismong palasyo. Hindi rin naman basta-basta nakakalapit sa royal family," sagot niya. "Walang problema sa bagay na iyan, anak. Huwag mo ring kalimutang nasa kabilang kalsada ang Tita Leonara mo. Ang tanong ay kumpleto ba kayo ng grupo mo ng ebidensiya laban sa traydor mong kaibigan? Dahil oras na idulog ninyo iyan sa palasyo ay wala ng atrasan," saad ng kaniyang ina. Kaya't napabaling siyang muli rito. Dahil dito ay napahinga siya ng malalim. "Sa ngayon ay ako pa lang ang nakakaalam sa katauhan ng tunay na---" Kaso hindi na niya natapos ang pananalita. Dahil napasunod ang kaniyang paningin sa itinuro ng ama. Tatayo na nga sana siya upang lapitan ang matamang nakikinig sa kanilang usapan. Ngunit umiling-iling ang ina. 'Let her be. May iba akong plano sa taong iyan,' sabi pa nito sa boses na halos hindi na marinig. Kaya naman ay nagkatinginan silang tatlo. Tinginang nagkakaunawaan! SA MANSION ng mga Fernandez. "Sir General, it's been a while since your sister has been vanished. Shall we continue to search for her?" Dinig ng General na tanong ng isa sa mga tauhan. Kaya naman ay napaangat siya ng paningin. 'F*ck you! Kung hindi ka lang sana isa sa mga assets ng departamentong hawak ko ay matagal na kitang iniligpit!' Lihim niyang pagngingitngit. "Kaisa-isa kong kapatid si Sofia, Martinez. Wala man akong maapuhap na dahilan kung bakit siya tumakas ay kailangan ko pa rin siyang mahanap. She is my one and only family by blood," pahayag niya. Subalit sa kaloob-looban niya ay kumukulo ang kaniyang dugo. "Iyan lang ang nais naming marinig, Sir General. Maaring mas nagtagal si Miss Sofia sa paninirahan sa labas ng mansion. Ngunit babae pa rin iyon na kailangang aalagaan. Dalangin ko na sana ay nasa mabuti itong kalagayan," sambit pa ng isa. 'D@mnit! Nandito ka man o wala ay ikaw pa rin ang tinik sa aking lalamunan! Siguraduhin mo lang na hindi magsasangga ang landas natin. Dahil talagang papatayin kita!' muli niyang sambit sa isipan. "Do as you wish, men. Nauunawaan ko ang hinaing ninyong lahat. Hindi sa pag-abanduna sa kaniya. Ngunit hindi ko maaring isangkalan ang aking trabaho." Pagsang-ayon na lanag niya. Kahit pa hindi mawala-wala ang galit na lumulukob sa kaniyang pagkatao. Laking pasasalamat niya dahil hindi na muling nagtanong ang mga ito. 'Hindi ko alam kung ano ang ipinakain ng g*g@ng iyon sa inyo at ganoon na lamang kalalim ang tiwala ninyo! Ngunit huwag kayong mag-alala dahil bago kayo magtagumpay sa anumang binabalak n'yo ay nasa palad ko na itong muli,' ismid niya habang nakatanaw sa mga tauhang papalabas ng main door. DAHIL sa nalaman ay nagmukmok si Sofia sa cabin na inuukupa. Nagulat na lamang siya ng napatingin siya sa kalendaryong nasa side table ng higaan. "F*ck! Ganoon na pala katagal ang paglalayag ng barkong ito," aniya. 'At ano sa pagkakaalam mo, Hija? Abay maawa ka naman sa nasa iyong sinapupunan. Kung wala kang balak buhayin sila ay mas mabuting iligpit mo na---' "What an ungrateful bastard! Sino ang nagsabing wala akong balak buhayin ang mga anak ko? Tsk! Tsk! Kung may mawawala man sa mundong ito ay walang iba kundi ang hay*p na iyon!" Ngitngit niyang pamumutol sa sarili. Sa pagkaalala sa mga nasa sinapupunan ay wala sa loob niyang hinaplos-haplos ito. "According to that surgeon in Madrid, I'm carrying a twin fetus. And it more likely one boy and one girl," sambit niya na ang buong mukha ay talagang binabalot ng ngiting tagumpay. "Don't worry, my dear babies. Kahit ano pa man ang mangyari ay mabubuhay kayo. Ngunit sa ngayon ay hindi pa natin makakasama ang Santino ninyong ama. Dahil mayroon pa akong dapat gawin para na rin sa ikabubuti nating lahat," bulong niyang muli. Tatayo na nga sana siya upang maligo. Balak niyang magtungo sa management ng barko upang mausapin ang may-ari. Dahil imposible namang ibang tao ang nagma-manage sa sikat at pamosong cruiseship. Kaso mayroon namang kumatok sa pintuan. Kaya't imbes na banyo ang tunguhin ay pinagbuksan na ang nasa labas. Then... "Good afternoon, Miss Sofia. Ah, don't get me wrong. I only know you by your record in your entry as a passenger. According to our cabin supervisor, you never come out since you entered this room. As s manager of this ship, it is my obligation to check the safety of everyone. So, please don't get me wrong," kaagad na pahayag ng napagbuksan. 'He must be the owner, Brian Niel Mondragon. Well, as I've overheard on my way here, he is indeed a man of dignity,' bulong niya sa sarili. "Huwag kang mag-alala, Mr. Dahil kasalanan ko rin naman. Lalabas nga sana ako upang magtungo sa management dahil nais kong makausap ang may-ari nitong barko. Nais ko sanang extend ang pag-stay ko rito hanggang sa susunod na pagdaong. Ayon sa tiyuhin kong nag-recommend sa akin dito ay Pilipinas daw ang tungo at dadaong isang buwan mula ngayon." Pahayag niya. Well, nais lang niyang makasiguradong mapagkatiwalaan ang kaharap. Traumatised na siya sa pagtiwala. Ganoon pa man ay iminuwestra niya ang palad na sa upuan ng mismong cabin sila mauupo bagay na kaagad nitong pinaunlakan. "Wow! Fluently Tagalog. Marunong ka pala sa salita namin. Walang problema sa tagal ng pag-stay ng bawat pasahero, Miss Sofia. Dahil sa amin ay kaligtasan ng bawat isa lamang ang aming inaalala. Yes, Manila Port ang daungan natin sa susunod na buwan. Dahil doon manganganak ang asawa ko. Ah, by the way, I'm the person you want to speak in management. Ship Captain Brian Niel Mondragon," anitong muli kasabay nang paglahad ng palad upang formal na makipagkamay. "Sofia Fernandez is my full name. Isang simpleng guro sa Madrid. Ngunit gusto ko ring maranasan ang mabuhay ng wala sa anino ng pinagmulan ko. Tungkol sa pagka-fluent ko sa salitang Tagalog ay marami rin akong co-workers. Idagdag pa ang online classes ay hindi na nakapagtatakang natutunan ko ng maayos." Hindi naman sa wala siyang tiwala sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Subalit nag-iingat lamang siya. Sa kanilang pagpapatuloy ay nalaman niyang asawa nito ang kapwa manager ng barko na pag-aari ng pamilya nila. MAKALIPAS ang ilang araw! Nagulat ang taga-military department dahil kumalat ang balitang hindi naangkop sa integrity ng buong departamento. Kaya naman ay kumalat ang kaliwa't kanang usap-usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD