Chapter 3

1140 Words
"Saan ba nagmula ang mukhang aswang na babaeng 'yon? At saka bakit ginanon niya yung Ducati? Pagkatapos bigla bigla pang papasok sa kotse ng may kotse!"nasa isip ni Clint habang inaalala ang mga nasaksihan kani-kanina lamang. Samantala si Therese... "Ano'ng nangyari sa'yo There?? Kaninong kotse yung pinanggalingan mo??"tanong ni Yves nang makabalik siya at ngayon ay nasa harapan na nito. "Ha?? Hindi ko kilala!" "Ano?? E bakit nakasakay ka?" "Namali ako ng pasok e. Akala ko kotse mo ang putek!" "Ano?? Hahahaha. Seryoso??" "Sige! Pagtawanan mo pa ko!!"aniya at binalibag ito ng masamang tingin. Natakot naman si Yves at biglang tumigil sa pagtawa. "Teka, e ano sabi nung may-ari ng kotse?" Natigilan si Therese habang inaalala ang eksena kanina. "Infairness sa lalaking 'yon! Tinawag akong Damn Emo, at Miss Eyeliner! Wala pang naglalakas loob na tawagin akong gano'n ah! Huwag lang talagang mangyari na magkita kami ulit! Patay sakin yung lalaking 'yon!" sa isip ni Therese. "Hoy!! Ang sabi ko ano sabi nung driver nung kotse?"basag ni Yves sa pananahimik niya. "Ha?? A-ahh..e di ayun pinalayas ako!" "Aba'y talagang palalayasin ka There! Buti nga kung hindi natakot sa itsura mo." "Ano bang hindi! Obvious nga na natakot siya sakin!" "Hay!! Hakika na nga, umalis na tayo." "Tara!" Pagkagaling sa bayan ay dumiretso na ang dalawa sa school. Sabay pumasok ang dalawa sa classroom kaya naghihiyawan na naman ang mga kaklase nila. "Sagutin mo na kasi There!" sigaw ng mga kaklase nila. "Mga g**o!! Magsitigil nga kayo! Magkaibigan lang kami ni Yves." Halata namang nagdamdam ang binata sa sinabi niya. Tahimik itong umupo sa pwesto nito malapit sa pinto. Siya naman ay sa malapit sa trash can. Kung tutuusin ay wala ka ng hahanapin pa sa binata. Mabait ito, maalalahanin at galing sa mabuti at maayos na pamilya. Kasing-edad niya ito. Ngunit hindi kagaya niya na tumanda na lang sa high school dahil palaging bagsak. Nahinto ito ng ilang taon dahil nagkasakit ito noon na hindi na niya maalala kung ano. KINABUKASAN.. Kagaya ng sinabi ni Mr. Del Valle. Binigyan siya nito ng special test. "After class, maiwan ka Therese." "Ho??" "Mag-e-exam ka 'di ba?" "Pero, sir..." "Wala ng pero pero Therese, mag-eexam ka!" "S-sige, po." "Here's your test paper. You only have one hour to finish this 100 items of your test." "One hour??" "May reklamo ka?" "N-nothing, sir." "Okay, you may start now." Nadismaya si Therese sa oras na ibinigay sa kanya. Para sa kanya ay napakabilis ng isang oras para sa one to one hundred na exam. Pero wala naman siyang choice kung hindi tapusin ito. Sinimulan na niya ang pagsagot. "Hayy!! Paano ko ba 'to tatapusin?? Sigurado iniwanan na ko nila Benjo. Nasaan kaya sila ngayon?" bulong niya sa sarili. Wala sa loob na napatingin siya sa labas ng bintana at nakitang nakatayo ang tropa niya di-kalayuan sa kanilang silid. "Wala sa labas ang sagot sa test paper mo Miss Valencia." sita ng guro niya ng mahuli siyang nakikipagsenyasan sa mga ito sa bintana. "Napatingin lang ako sir." "Fifteen minutes left, may nasagutan ka na ba?" "Meron po." Patuloy siya sa pagsagot. Nakayuko siya at nag-co-concentrate sa mga tanong sa test paper ng marinig niyang tumutunog ang phone ng sir niya. "Hello?" narinig niyang turan nito. May kausap si Mr. Del Valle na sa tingin niya ay hinahanap ito. Maya-maya pa ay sinabi nito sa kabilang linya na nasa classroom pa ito at may tinatapos. Narinig din niya na pinapunta nito ang kausap kung saan sila naroroon. Nang matapos ito sa pakikipagusap ay balik ang atensiyon nito sa kanya. Kunwa'y nakatutok naman ang pansin niya sa papel sa kanyang harapan. "Anong number ka na, Therese?" "Number seventy four po  sir." "Okay, tapusin mo na." "Okay po." Pagkatapos ng may sampung minuto ay naramdaman niyang dumating na ang kausap nito kanina. Nag-uusap na ang mga ito ngayon sa harapan niya. Naisipan niyang mag-angat ng ulo at tapunan ng tingin ang mga ito. Ganoon na lang ang gulat niya ng makita kung sino ang kausang ng sir niya. Ito'y walang iba kung hindi ang lalaking minura siya at sinabihan ng kung anu-ano. Ang may-ari ng kotseng aksidente niyang napasukan at kulang na lang ay ihagis siya sa labas para mawala sa paningin nito. Hindi siya aware na matagal na pala siyang nakatitig dito. At lalong hindi siya aware na masamang-masama pala ang tingin niya rito. "Estudyante mo 'to bro?" "Yeah. Therese is her name, bro." "Ohh..so, pwede palang pumasok sa school na 'to ang mga ganyang mukhang aswang??" "Bro, watch your word." narinig niyang bulong ni Mr. Del Valle rito. "Totoo naman bro! Hindi siya mukhang estudyante." "Who the hell are you para sabihan mo kong mukhang aswang Mr. Yabang??" umuusok ang ilong sa galit na sabi ni Therese dito. "Tsss..'wag kang magalit. Totoo naman ang sinasabi ko! And by the way bro, alam mo bang may malaking kasalanang ginawa 'yan?  And take note, after niya gawin 'yon basta nalang siya pumasok sa kotse ko ng walang pasabi!" "Hindi ko sinasadya na pumasok sa kotse mo! At kung papipiliin lang din ako, hinding-hindi ko 'yun gagawin dahil sobrang yabang mo!!" Natawa lang ito at napailing dahil sa sinabi niya. "Tama na 'yan Therese. Tapusin mo na 'yan para makaalis ka na." "I'm done sir!" pagalit niyang sabi at padabog na ibinaba sa table nito ang test paper niya. "Ingat sa pag-uwi, Therese." "Salamat, sir. By the way Mister yabang, kung ako mukhang aswang. Kamukha mo naman yung aso namin. Askal! Wala ka ngang galis, hindi nga bulok ang katawan mo, bulok naman ang ugali mo!!" "Ano'ng sabi mo???" galit na tanong nito. "Bakit?? Galit ka na?? Nakakainis 'di ba??" nang-iinis na sabi niya at sinabayan pa niya ng pag-akma ng kamao niya rito. Wala ng nagawa si Clint dahil tuluyan ng lumabas si Therese ng silid na iyon. "So nagkita na kayo talaga kuya?" "Oo bro, kahapon lang." sagot ni Clint. "Saan kayo nagkita?" "Sa parking area ng Sports Complex sa bayan." "Kaya pala hindi siya pumasok." "Malamang, at alam mo ba ang ginawa niya? Binutas niya yung gulong nung Ducati na naka-park lang doon." "Tssk..tssk..hindi na siya talaga nagbago. Alam mo bang number one sa listahan ng guidance 'yun? I mean siya ang pinakamaraming record sa guidance sa buong school." "Obvious naman Cris, itsura palang niya mukhang balahura na talaga." "Pero hindi mo na siya dapat ginanon kuya. Parang naging harsh ka naman yata masyado." "Okay lang 'yun. Tama lang sa kanya lahat ng mga sinabi ko." sagot niya. Samantala... Si Therese naman ay nagngingitngit pa rin habang binabagtas ang daan papunta sa tambayan ng tropa niya. Naiisip pa lang niya ang mukha ng lalaking 'yon na tinatawag na bro ng sir niya ay nag-iinit na ang kanyang ulo. "Bakit kaya tinatawag ni sir na bro 'yun? Magkapatid kaya sila? Sabagay wala naman akong pakialam sa kanilang dalawa!" naisaloob niya habang bumababa sa kanyang motor. "There! Ano'ng nangyari sa'yo? Kumusta exam mo?" tanong ni Yves. "Ayos lang!" "E bakit badtrip ka?" si Benjo. "Wala!" "Bakit nga? Come on, tell me." pamimilit ni Yves. "Okay, yung lalaking may-ari ng kotse sa Sports Complex. Kausap siya ni sir kanina at ininsulto na naman ako!" "Ano'ng sabi? Gusto mo ba balikan natin?" "Hindi na! Baka tumulo lang uhog nun sakin." Nagtawanan naman lahat ang mga kaibigan niya. Maya-maya pa ay wala na ang init mg ulo niya. Basta kasama niya ang mga kaibigan ay napapalagay ang loob niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD