*Teresa's POV* Blood... Fire... Smoke... Explosion... Death... Kahit saan ako tumingin ay iyon ang nakikita at naririnig ko. Maging ang mga naglalabang Elemental at Crows ay walang tigil sa pagpapaulan ng atake sa isat isa. Lahat sila desidong talunin ang kanilang mga kaaway. Pati ang dating magarang silid ay ngayon ay sirang sira na. Ang mga sahig at kisame ay biyak biyak na at maging ang ilang bahagi ng pader ay gumuho na. Malaya na ring nakakapasok ang malakas na hangin sa labas at kitang kita ko na ang mga makakapal na ulap na paminsan minsan ay nagdadala ng mga pagkulog at pagkidlat sa taas namin. "Sallie!" Narinig kong sigaw ni Racky. Natigil ako sa pagbato ng mga Fireball sa mga nakapaligid na Crows at kinakabahang hinanap siya. Madali ko naman siyang nakita di kalayuan

