*Rosallie's POV* "Kukuha lang ako ng libro. Wala parin kasi akong makita dito." Paalam ko kela Marvin at Tyrone at isinara ang librong katatapos ko lang basahin. Parehas silang huminto sa pagbabasa nila at nilingon ako. Hindi ko naman sinalubong ang mga mata nila at tumayo na sa kinauupuan ko ng hindi hinihintay ang ano mang reaksyon nila. Nakita ko pa ng pareho nilang isara ang mga libro nila at akmang tatayo ng pigilan ko sila. "Hindi ko na kailangan ng kasama. Dyan lang naman ako. At wala naman sigurong aatake sa akin dito." Sabi ko pa sa kanila. Kalagitnaan palang din ng araw at marami pang estudyante at professor sa loob ng library. Kaya nasisiguro akong walang kalaban ang mangangahas na umatake o gumawa ng g**o man lang. Saglit na nagkatinginan yung dalawa at kitang kita ang p

