*Rosallie's POV* Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at sinubukang iadjust sa nakakasilaw na liwanag na sumalubong sa akin. Itinaas ko rin ang kamay ko patakip sa mga mata ko , at ng tuluyang magadjust ang mga mata ko ay saka ko tiningnan ang paligid ko. Puting kurtina ang nakapaligid sa kama ko. At maging ang kumot at sapin ng kama kung saan ako nakahigaay purong puti din. Sinubukan kong maupo pero halos mapangiwi ako ng magprotesta ang katawan ko. Ganun pa man ay tiniis ko ang p*******t niyon at dahan dahang umupo at sumandal sa Headboard ng kama. Medyo nahahapong tiningnan ko rin ang suot ko. Patient's gown. At base sa nakikita kong ayos ng silid ay alam ko na kung nasaan ako. Mukhang bumigay nga talaga ang katawan ko sa naganap na laban kaya imbes na sa silid ko ay dito sa

