*Joie's POV* "Joie!" Napahinto ako sa paglalakad ng may tumawag sa akin. Lumingon pa ko at sinuyod ng tingin ang kabuan ng corridor naming mga Air User at tiningnan ang pailan ilang estudyanteng nakatambay sa magkabilang gilid niyon. Pagkatapos ay natutok ang mga mata ko sa babaeng tumatakbo palapit sa akin. Nakangiti at ikinakaway pa niya ang isang kamay niya sa akin. Napangiti din ako at pumihit paharap sa kanya. Gaya ko at ng mga estudyante sa corridor ay na nakauniporme din siya ng Nacht. Ang palda, ribbon at ilang lining sa sleves nya ay kulay naman ng elemento namin. Kulay Berde. Humihingal na tumigil siya sa harap ko at ilang beses din siyang huminga ng malalim bago dumiretso ng tayo at hinarap ako. "Kanina pa kita tinatawag ah." Hinihingal pang sabi niya. Napangiti ako ng ma

